BREAKING NEWS

Ano ba ang totoong laman ng angpao na kinuha ni Totoy kina Rhian at Michelle?!

Ano ang totoong laman ng angpao na kinuha ni Totoy kina Rhian at Michelle?!
Alas Totoy, Michelle Dee at Rhian Ramos

KUNG anu-ano na ang naglalabasang content sa social media tungkol sa kontrobersyal na "angpao" na kinuha umano ng personal driver ni Rhian Ramos.

Ito nga ang dahilan kung bakit binugbog at ikinulong umano ang driver na kilala lamang sa pangalang "Alyas Totoy" ng grupo nina Rhian, Michelle Dee at Samantha Panlilio kasama ang ilang bodyguard.

Kasunod nga nito ang pagsasampa ni Totoy ng mga reklamong  torture at serious illegal detention sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa kanyang amo at mga kaibigan nito na iniimbestigahan na ngayon.

May mga vlogger na nagpapakalat na mga nude photos at sensitibong video raw ang laman ng angpao na ayon sa driver na si "Alyas Totoy" ay naka-save sa isang "film" (o USB).

Meron namang mga social media personality at content creators na naglabas ng vlog na nagsabing posibleng mga ebidensya raw ng "threesome sex activities" ang nasa "film."

Nagsalita na ang legal counsel ni Michelle Dee na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, hinggil sa kung anu-anong espekulasyon ng publiko sa laman ng angpao.

Sabi ni Garduque, totoong sensitibo ang laman ng angpao pero hindi raw ibig sabihing tungkol ito sa "threesome activities" tulad ng naglalabasan ngayon sa social media.

Aniya pa, huwag daw sanang mag-judge ang publiko  nang walang sapat na ebidensya na posibleng ikasira ng mga  personalidad na involved sa kontrobersya.

Wala namang nabanggit ang legal counsel kung magsasampa sila ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng fake news laban sa kaniyang kliyente.

Samantala, sinabi naman ni Violence Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio "Boy" Evangelista, base sa salaysay ni Totoy hindi niya sinasadyang madala ang ampao na may lamang mga sensitibong larawan sa Samar, dahil inakala niya umano itong Pamasko.

Aniya, naibalik naman daw ang laman ng ampao ngunit may kulang pa kaya iyon umano ang hinahabol ng grupo nina Rhian. 

Nauna rito, ipinagtanggol na rin ng kanilang mga ina sina Rhian at Michelle hinggil sa iskandalong ito. Tinawag nilang "lying thief" si Totoy dahil puro kasinungalingan daw ang mga naging alegasyon nito.

Mariing itinaggi ng kampo nina Michelle, Rhian at Samantha ang mga akusasyon ni Alyas Totoy.

The post Ano ba ang totoong laman ng angpao na kinuha ni Totoy kina Rhian at Michelle?! appeared first on Bandera.


Ano ba ang totoong laman ng angpao na kinuha ni Totoy kina Rhian at Michelle?! Ano ba ang totoong laman ng angpao na kinuha ni Totoy kina Rhian at Michelle?! Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close