Lady Boss Charo Cordial: Kuwento ng katatagan, biyaya, pagsisikap

NANINIWALA ang lady boss at entrepreneur na si Charo Cordial na hindi lang sa yaman, katalinuhan at kasikatan nasusukat ang tagumpay ng isang tao.
Mas mahalaga pa rin daw kung ano ang tunay na layunin, ang kababaang-loob, at ang pagpapahalaga sa mga taong kanyang nakakasama sa paglalakbay.
Bilang CEO na siyang nasa likod ng matagumpay na Maddox Jewelry, ang paglalakbay ni Charo ay isang kwento ng katatagan, biyaya, at pagsusumikap.
Ang nagsimula bilang isang pangarap na nag-ugat sa pagpupunyagi ay naging isa sa mga pinagkakatiwalaang pangalan sa industriya ng alahas sa Pilipinas, ngunit nananatili siyang matatag na nakaangkla sa kanyang pinanggalingan.
Itinatag noong 2021, nakuha ng brand ang reputasyon nito sa nakalipas na limang taon bilang isa sa mga pinakamaaasahan at abot-kayang mga supplier ng natural na diamante sa Pilipinas.
Kilala sa integridad at kalidad, nakuha nuti ang tiwala ng hindi mabilang na mga kliyente, kabilang ang mga kilalang celebrity, habang nananatiling tapat sa pangako nitong accessibility at authenticity.
Matatandaang ilang kilalang personalidad sa showbiz ang naging bahagi ng kanyang jewelry fashion show last December na pinangunahan ng talent manager na si Annabelle Rama.
Rumampa rin doon sina Diana Zubiri, EA Guzman, Mark Herras, celebrity couple Aubrey Miles and Troy Montero, Jao Mapa, at mag-asawang Boom Labrusca at Desiree del Valle.
Ngunit higit sa success ng negosyo, naniniwala si Charo na ang tunay na tagumpay ay hindi kumpleto nang walang pagbabalik.
Noong nakaraang Setyembre, bumalik siya sa Bicol, ang kanyang tahanan, para magbigay muli sa San Juan Elementary School—isang lugar na malapit sa kanyang puso.
Sa pamamagitan ng kanyang kabutihang-loob, ipinagdiwang ng paaralan ang pagpapasinaya ng isang covered pathway at isang bagong palaruan, mga proyektong personal niyang naibigay upang matiyak ang mas ligtas, mas maligayang espasyo para sa mga mag-aaral.
Mula noon hanggang ngayon, patuloy na ibinabahagi ni Charo ang kanyang mga pagpapala, tahimik na sumusuporta sa mga komunidad at iba pa niyang mga adbokasiya. Para sa kanya, ang tagumpay ay palaging may pananagutan.
Sa kanyang speech para sa school inauguration, ibinahagi ni Charo sa mga guro at mag-aaral ang ilan sa mga sikreto ng kanyang tagumpay.
"Always stay humble. Always keep your feet on the ground no matter how high you achieve. Keep smiling. Smile is contagious.
"It can also brighten the day of other people. Hindi masama ang mangarap, pero sabayan n'yo ng tiyaga at gawa," ang bahagi pa ng kanyang mensahe.
The post Lady Boss Charo Cordial: Kuwento ng katatagan, biyaya, pagsisikap appeared first on Bandera.

No comments: