Netizens may napansin sa leeg ni Anne Curtis, may problema sa thyroid?

TILA may kakaibang napansin ang mga netizens sa bagong social media post ng tinaguriang "Dyosa" na si Anne Curtis.
Super pakak ang awra ng TV host-actress habang suot-suot ang kanyang red dress na siyang outfit niya nang mag-perform sa "ASAP Natin 'To!" noong Linggo, February 1.
Hindi naman na bago kay Anne ang kanyang "serving looks" at hot sexy body kaya naman hindi na kataka-taka ang dami ng likes at comments na na-receive ng aktres.
Ngunit isang kakaibang bagay ang napansin ng mga netizens sa bandang leeg ng aktres na siyang ikinabahala ng mga faney at supporters.
Baka Bet Mo: Jericho Rosales paboritong katambal si Anne Curtis, nagselos kay Dingdong Dantes
Worried ang mga netizens dahil baka may problema si Anne sa kanyang thyroid na sanhi ng tila pagkakaroon niya ng umbok o bukol sa leeg pati na rin ng pagdagdag sa kanyang timbang.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Ako Lang ba nakakapansin parang my thyroid condition c Anne.. I dunno pero Yong leeg niya medyo inflammed."
"ganyan ang goiter nasa loob maliit palang dapat agapan nya habang kaya pa gamutin kaysa paabutin pa ng edad 50-60 dun subra lalaki na yan."
"PA check mo Yung leeg mo miss Anne Para kasing may kakaiba. Concern lang. Baka kasi sa
kabibirit mo ma'am. Sana OK lang leeg mo parang normal Lang."
"Napansin ko siya sa showtime parang tumaba siya at ang leeg niya meron something parang meron siyang hypothyroidism."
Samantala, wala pa namang sagot o paglilinaw si Anne hinggil sa mga napansin ng netizens.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng aktres hinggil sa concern ng madlang pipol.
The post Netizens may napansin sa leeg ni Anne Curtis, may problema sa thyroid? appeared first on Bandera.

No comments: