BREAKING NEWS

Barbie Hsu pinatayuan ng memorial statue sa kanyang ika-1st death anniversary

Barbie Hsu pinatayuan ng memorial statue sa kanyang ika-1st death anniversary

ISANG memorial statue ang ipinatayo para sa Taiwanese actress na si Barbie Hsu bilang patuloy na pagkilala sa kanyang alaalaz

Base sa mga inilabas na ulat ng iternational media, ang naturang memorial statue ay itinato malapit sa kanyang libingan sa Chin Pao San cemetery sa New Taipei, Taiwan nitong Lunes, February 2.

Pinangunahan ng asawa ni Barbie na si Koo Jun-yup at ng kanyang ina ang unveiling ceremony kung saan kasama rin nila ang kapatid ng aktres na si Dee Hsu.

Ayon kay Koo, ang memorial statue ay sumisimbolo sa walang hanggang pagmamahal niya at ng kanyang pamilya sa aktres.

Baka Bet Mo: Barbie Hsu binigyang pugay ng mga kasamahan sa 'Meteor Garden'

Dinaluhan naman ng mga taong malalapit kay Barbi ang naturang komemorasyon ng kanyang first death anniversary gaya na lang ng "Meteor Garden" co-stars na sina Jerry Yan say Vic Zhou.

Naroon rin ang Taiwanese singer na si Rainie Yang. South Korean boy group Super Junior member na si Choi Si-won, Taiwanese TV producer Wang Wei-chung kasama ang kanyang asawa,  at ang mga TV hosts na sina Kevin Tsai at Matilda Tao.

Matatandaang pumanaw si Barbie noong February 2025 dahil sa komplikasyon dulot ng sakit na influenza na kinumpirma ng nakababatang kapatid.

The post Barbie Hsu pinatayuan ng memorial statue sa kanyang ika-1st death anniversary appeared first on Bandera.


Barbie Hsu pinatayuan ng memorial statue sa kanyang ika-1st death anniversary Barbie Hsu pinatayuan ng memorial statue sa kanyang ika-1st death anniversary Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close