BREAKING NEWS

Cayetano sa gobyerno: Laban pa o bawi na sa K – 12 program?

HINAMON ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang gobyerno na manindigan kung itutuloy at paglalaanan pa ng pondo ang K to 12 program.

Hindi itinanggi ng senador ang kanyang pagdududa sa pagiging epektibo ng programang pang-edukasyon kayat aniya makakatulong kung bubusisiin ng husto ang curriculum sa basic education.

Baka Bet Mo: Hirit ni Alan Peter Cayetano: Naniniwala ba kayong may power sa words?

Aniya hindi epektibo ang pagrebisa lamang kung hindi sasabayan ng konkretong suporta ng mga kinauukulang sektor.

"Baka naman po yung tinatarget natin sa K to 12 ay target ng USA, ng Europe, at ng Japan. Pero sa Pilipinas, kailangan natin linawin ang ating target,"  hiling ni Cayetano.

Noon pang 2022 nang magbalik sa Senado si Cayetano nang simulan niyang kwestiyunin ang naging pagbabago sa edukasyon nang ipatupad ang K – 12 program sa bansa noong 2013. 

The post Cayetano sa gobyerno: Laban pa o bawi na sa K – 12 program? appeared first on Bandera.


Cayetano sa gobyerno: Laban pa o bawi na sa K – 12 program? Cayetano sa gobyerno: Laban pa o bawi na sa K – 12 program? Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close