BREAKING NEWS

Karina Bautista hiwalay na sa non-showbiz dyowa: End of an era

Karina Bautista hiwalay na sa non-showbiz dyowa: End of an era

HIWALAY na ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Karina Bautista sa Philippine men's national ice hockey player na si Manny Billones.

Ito ay pormal niyang inanunsyo sa pamamagitan ng isang Facebook post nitong Biyernes, January 30.

"An end of an era. I have always been open and proud to share this relationship online thus it breaks my heart to say that we have officially decided to part ways," pagbabahagi ni Karina.

Nagpaabot rin ng pasasalamat ang aktres sa dating kasintahan sa halos tatlong taon nilang pagsasama.

Baka Bet Mo:

Bandera IG

"To @mannybillones , thank you for the almost 3 beautiful years. In the end, I have no regrets, it truly was one to cherish," dagdag pa ni Karina.

Hiling naman ng dalaga ang tagumpay ng dating karelasyon.

"Please do know that from the most sincerest part of my heart, I truly wish you well and will continue to pray for your peace, success and the love you'll find next," mensahe ni Karina para kay Manny.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang tila nanghinayang ngunit bumilib dahil sa kabila ng paghihiwalay ay maayos nagtapos ang kanilang kuwento.

Matatandaang noong February 2024 nang ikuwento ni Karina sa "Magandang Buhay" kung paano sila nagkakilala ni Manny.

"Siya ang coach kasi ng national team, siya ang captain. So 'yung women's team siya ang nagte-train sa amin before that time. Tapos nagwa-warm up kami. So noong nagha-hockey ako, doon ko na siya nakilala sa ice rink," kuwento ng aktres.

Matapos ang ilang buwang pagkakakilala ay niyaya na raw siya ng date ni Manny.

"Na-late siya sa date namin kasi wala daw siyang susuotin. Kaya ang tagal-tagal niyang dumating pero in the end naman kumain kami sa labas and 'yun nag-snacks muna and then nag-dinner," chika pa ni Karina.

The post Karina Bautista hiwalay na sa non-showbiz dyowa: End of an era appeared first on Bandera.


Karina Bautista hiwalay na sa non-showbiz dyowa: End of an era Karina Bautista hiwalay na sa non-showbiz dyowa: End of an era Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close