Mon Confiado sa retoke ni Ynez: Ang ganda mo na, bakit pinagalaw mo pa?

NAGTAKA rin ang award-winning actor na si Mon Confiado kung bakit nagparetoke pa ang dating karelasyong aktres na si Ynez Veneracion.
Magkasama uli ngayon ang ex-celebrity couple sa pelikulang "Batang Paco" na pinagbibidahan nina Empoy Marquez at Ai Ai de las Alas.
Sa naganap na mediacon ng naturang movie, ay naging open si Ynez sa kanyang pagpaparetoke at hindi raw niya ito ikinahihiya.
Tanggap na rin daw niya ang pamba-bash ng mga netizens sa kanya kaya hindi na siya naaapektuhan sa tuwing pinagtsitsismisan ang kanyang face.
Natanong naman si Mon Confiado ng press kung nanibago ba siya sa itsura ni Ynez noong una niyang makita matapos sumailalim sa beauty enhancement.
"To be honest, hindi. Pero noong una, medyo may mga reaction din ako katulad din nung mga bashers niya, alam ni Ynez iyon.
"Sabi ko, 'Ang ganda-ganda mo na! Ang ganda ng ilong mo, ang ganda mo! Bakit mo pa pinagalaw?'
"Pero minsan kasi, ganoon tayo, e. Di ba? Alam ko kasi ang back story ni Ynez from… kasi, 17 years kaming magkasama. So iyung kanyang self-confidence ay sobrang baba," ang rebelasyon ng aktor.
"Kaya minsan iyong tao, talagang gagawin mo lahat para sa isip mo, maganda ka. Maging confident ka.
"So kung iyon ang makakatulong sa confidence niya, e, wala tayong karapatan para i-bash siya, di ba?" paliwanag ni Mon.
Sundot na tanong sa kanya kung bumabalik ba iyong dating pagtingin niya kay Ynez kapag nagkikita uli sila.
"Ewan ko, parang ano, e. Parang tingin ko, 17 years ago pa rin ang itsura niya, e. Kasi 17 lang si Ynez noong naging girlfriend ko. Sa akin nagdalaga iyan, e," aniya pa.
Samantala, showing na sa February 18 sa mga sinehan ang "Batang Paco" na idinirek ni Rechie del Carmen mula sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.
Ka-join din sina Chichi Rita, Cassy Lavarias, Richard Quan, Alma Concepcion, Lara Morena, Natasha Ledesma, Kookoo Gonzales, Gerard Acao, Josh Ivan Morales, Kim Rodriguez, Jovi Vargas, at Quentin Molo.
This is produced by Ana Abiera del Moral ng MiVida Productions, Inc..
The post Mon Confiado sa retoke ni Ynez: Ang ganda mo na, bakit pinagalaw mo pa? appeared first on Bandera.

No comments: