Miss World Philippines 2026 Top 10 ibinandera na

TULOY ang laban para sa mga kandidatang pasok sa susunod na round matapos ianunsyo ang mga nagtagumpay na makapasok sa Top 10 semifinalists ng Miss World Philippines 2026.
Kasalukuyang ginaganap ngayong Martes, February 3 hanggang Miyerkules, February 4 ang coronation night ng naturang beauty pageant.
Narito ang kumpletong listahan ng mga pasok sa Top 10 Miss World Philippines 2026:
- Jayvee Lyn Lorejo (Davao Region) — nanguna sa online voting
- Valerie Pawid West (Ifugao)
- Asia Rose Simpson (Quezon City)
- Gabrielle Fuentes Galapia (Pampanga)
- Lorraine Ojimba (Lalawigan ng Rizal)
- Anne De Mesa (Maynila)
- Olivia Grace Reilly (Sultan Kudarat)
- Marizza Delgado (Filipino community ng New York)
- Nikki Malabuyoc Lorzano (Batangas)
- Margarethe Elize Romano (Filipino community ng United Kingdom)
Baka Bet Mo: Miss World Philippines 2026 Top 15 semifinalists pinangalanan na
Bago inanunsyo ang mga finalist, nagbahagi ang Top 15 candidates ng kanilang mga advocacies, mga lalawigang kanilang kinakatawan, at mas personal na kuwento tungkol sa kanilang sarili sa isang casual interview na pinangunahan ng mga host na sina Leo Consul at Jasmine Omay.
Pinainit din ng mga delegate ang entablado ng MOA Arena nang rumampa sila sa kanilang two-piece na carnation pink swimwear, bago nagparada nang may elegansiya suot ang kani-kanilang evening gowns.
Kinilala sina Valerie Pawid West ng Ifugao at Asia Rose Simpson ng Quezon City bilang mga tumanggap ng Best in Swimsuit, habang si Marizza Delgado ng Filipino community ng New York ang itinanghal na Best in Evening Gown.
Ang bagong titleholder ay kokoronahan sa pagtatapos ng programa ng kasalukuyang reyna na si Krishnah Gravidez.
Bukod dito, apat pang delegado ang tatanggap ng mga titulong Miss Global Philippines, Miss Tourism Philippines, Universal Woman Philippines, at Miss Tourism Queen of the Year International Philippines.
The post Miss World Philippines 2026 Top 10 ibinandera na appeared first on Bandera.

No comments: