Emilienne Vigier pangarap magkaroon ng sariling pamilya, keribels ng 3 anak

KNOWS n'yo ba na nagkaroon pala ng "physical manifestations" ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier dahil sa matinding galit sa isang tao.
Naranasan niya ito habang karelasyon ang kanyang ex-boyfriend na inilarawan niyang "toxic" at "narcissist".
"Totoo yung physically allergic ka sa tao," pahayag ni Emilienne sa panayam sa kanya ni DJ Chacha para sa YouTube channel nito.
Nagkakaroon daw siya noon ng allergies sa pilik-mata dahil nire-reject ng katawan niya ang naging dyowa niya noon.
"Every day I was sobbing. I really lost myself there. My passion. My everything," sey ng dalaga.
Inalala rin niya ang mga nakitang red flags sa karelasyon, "Being called names and telling you that what you're doing is wrong. Lahat na lang mali. That's when you know when something is off."
Natuto na raw si Emilienne sa masamang pinagdaanan noon mula sa isang narcissist ex, "I will never lose myself ever again. If you're gonna love someone, make sure that you really do not lose yourself and your life.
"That was hard (past relationship). That was very traumatic because it was all like trauma bonding, love bombing, made me hate my life," sabi pa ng girlfriend ni Joshua.
Samantala, kahit ipinanganak at lumaki sa Pilipinas, nagbabakasyon siya tuwing summer sa France ng tatlong buwan.
Para sa mga hindi pa aware, anak ng French national at isang Filipina si Emilienne at bukod sa paggawa ng content sa social media ay isa rin siyang negosyante.
Nag-high school siya sa isang European campus sa Bicutan kaya napakagaling niya sa French.
Nag-graduate naman siya ng Consular in Diplomatic Affairs mula sa De La Salle-College of St. Benilde sa Taft, Manila.
Bukod sa pagiging content creator, busy din siya sa import-export business nila ng kanyang ama at pangarap talaga niya ang magkaroon ng sariling pamilya at magkaroon ng tatlong anak.
Kung siya raw ang masusunod, sa Pilipinas pa rin daw niya gustong manirahan kapag nagkapamilya na siya at hindi sa ibang bansa.
"Because it's very convenient. Diyos ko, kung magpapa-burn ka nga lang ng CD isang buwan (sa ibang bansa). Dito one day, Greenhills, example lang," aniya.
"In any Western country, though. It takes forever to get something done. If you gotta go to the dentist you have to wait one month for an appointment.
"No! Bunging-bungi ka na nu'n. Sira-sira na yung ngipin mo," katwiran pa ni Emilienne.
Paliwanag pa niya, "First of all, ang daming tao dito. Okay, we are very overpopulated, but what I'm trying to say is the service here is very good."
The post Emilienne Vigier pangarap magkaroon ng sariling pamilya, keribels ng 3 anak appeared first on Bandera.

No comments: