BREAKING NEWS

Asia Rose Simpson ng Quezon City itinanghal bilang Miss World Philippines 2026

Asia Rose Simpson ng Quezon City itinanghal bilang Miss World Philippines 2026

KINORONAHAN si Asia Rose Simpson ng Quezon City bilang bagong Miss World Philippines 2026.

Naganap ang coronation night mg naturang beauty pageant nitong Martes, February 3, sa SM Mall of Asia Arena.

Minana ni Simpson ang korona mula kay Miss World Philippines 2024 Krishnah Gravidez at kasama nitong nagkorona sa dalaga si Miss World 2025 Opal Suchata Chuangsri.

Tinalo ng pambato ng Quezon City ang 23 iba pang kandidata mula sa iba't ibang panig ng bansa at mga komunidad ng overseas Filipino.

Baka Bet Mo: Miss World Philippines 2026 Top 10 ibinandera na

Itinanghal rin ang dalawang runner-up sa Miss World Philippines 2026 pageant na si Anne De Mesa mula sa Maynila bilang First Princess habang si Gabrielle Fuentes Galapia mula sa Pampanga naman ang Second Princess.

Bukod kay Simpson, pinangalanan din ng organisasyon ang limang iba pang kinatawan ng Pilipinop 10as na sasabak sa iba't ibang international beauty pageants.

Rarampa si 2026 Lorraine Ojimba (Rizal Province) bilang Miss Tourism Queen of the Year, si Olivia Grace Reilly (Sultan Kudarat) para sa Miss Teen International Philippines 2026, Marizza Delgado (FilCom New York) para sa Miss Universal Woman 2026, si Jayvee Lyn Lorejo (Davao) para sa Miss Tourism International Philippines 2026 at si Valerie Pawid West (Ifugao) naman ang babandera para sa Miss Global Philippines 2026.

Ibabandera ni Simpson ang bandera ng Pilipinas sa gaganaping Miss World 2026 king saan layunin niyang maiuwing muli ang korona sa bansa natapos itong unang masungkit ni Megan Young noong 2013.

The post Asia Rose Simpson ng Quezon City itinanghal bilang Miss World Philippines 2026 appeared first on Bandera.


Asia Rose Simpson ng Quezon City itinanghal bilang Miss World Philippines 2026 Asia Rose Simpson ng Quezon City itinanghal bilang Miss World Philippines 2026 Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close