BREAKING NEWS

Michelle Dee muling kinasuhan si Totoy, 1 pang item sa angpao nawawala

Michelle Dee muling kinasuhan si Totoy, 1 pang item sa angpao nawawala
Rhian Ramos, Michelle Dee at Alyas Totoy

KINASUHAN uli ng Kapuso actress na si Michelle Dee ang dating driver ng BFF niyang si Rhian Ramos na itinatago sa pangalang "Alyas Totoy".

Personal na nagtungo ang aktres at beauty queen sa Makati Prosecutor's Office para magsampa uli ng kasong qualified theft laban sa driver.

Ito'y dahil pa rin sa umano'y pagkuha ng driver ni Rhian sa isang angpao na naglalaman daw ng 10 mahahalagang gamit nang hindi nalalaman ng magkaibigang aktres.

Inireklamo na ni Michelle si Alyas Totoy noong January 19, ngunit agad itong ibinasura ng piskalya kaya nakalaya mula sa kulungan ang inasuntong driver.

Base sa paliwanag ng abogado ni Michelle na si Atty. Maggie Garduque, kinailangang ihain uli ang kaso upang masunod ang tamang proseso. Hindi na umano pwedeng idaan sa inquest ang naturang reklamo.

Sabi ni Garduque sa panayam ng GMA, ang naging isyu sa unang resolusyon ng city prosecutor ay kung ang kaso ba ay saklaw ng inquest investigation.

Kaya naman inirekomenda ng piskalya na dalhin ang reklamo sa isang regular na preliminary investigation. Dito aalamin kung may bigat ang ebidensiya at kung may sapat na batayan para tuluyang kasuhan si Totoy.

Nabanggit din ni Garduque na siyam sa mga bagay na nasa loob ng angpao ay naibalik na kay Michelle sa tulong na rin ng asawa ng driver, pero may isa pang item na patuloy na nawawala.

Samantala, kahapon, February 3, nagtungong muli si Alias Totoy sa Makati Police Station kung saan siya unang dinala at ni Michelle. 

Doon daw siya umano sinaktan ng mga pulis mula January 19 hanggang sa kanyang paglabas ng kulungan noong January 22.

Matatandaang kinasuhan din ng driver si Michelle, ang dati niyang among si Rhian, at beauty queen na si Samantha Panlilio ng torture at serious illegal detention.

Nauna nang sinabi ng driver na inakala niyang Pamasko ang nakita niyang angpao sa condo ni Rhian kaya kinuha niya.

The post Michelle Dee muling kinasuhan si Totoy, 1 pang item sa angpao nawawala appeared first on Bandera.


Michelle Dee muling kinasuhan si Totoy, 1 pang item sa angpao nawawala Michelle Dee muling kinasuhan si Totoy, 1 pang item sa angpao nawawala Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close