BREAKING NEWS

Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita

Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita
Annabelle Rama, Richard Gutierrez at Barbie Imperial

NILINAW ni Barbie Imperial na hindi siya ang third party sa hiwalayang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, matagal na raw wala ang ex-couple nang maging sila ng aktor.

Naikuwento ito ni Barbie sa panayam sa kanya ng "Ogie Diaz Inspires" vlog na in-upload bago maghatinggabi ng Martes, February 3.

"Opo, wala na po sila no'n, hindi ko lang po sigurado kung anong eksaktong month 'yung naghiwalay sila pero kami ni Richard ay nagsimula no'ng pumunta kami ng Tipsy Pig.

"Kasi I'm part of the owner kasama si Neil Arce, tapos pumunta rin po si Richard to support Neil at doon po nagkakilala na kami at may video na nga kaagad, e, nagtsitsikahan pa lang kami no'n.

"Tapos kinaumagahan ang dami nang nagagalit (sa akin) which is for me naman is also valid dahil they shared 11 beautiful years (bilang mag-asawa) at kung netizen ka na nakikita mo, magtataka ka nga," pahayag ng aktres.

Dagdag pa, "Kung anuman po 'yung rason ng hiwalayan nila (Richard at Sarah) ay masasabi ko po at alam ng Diyos na hindi po ako 'yun, at silang dalawa lang ang makakaalam.  

"At saka kung inagaw ko si Richard kay Sarah ay magagalit talaga sa akin or may sasabihin siya about me at saka kung ako rin ang inagawan magagalit talaga ako at ipo-post ko pa!" natawang sabi ng aktres.

At pag nagkasabay daw sina Barbie at Sarah kay Doc Aivee (clinic) ay nginingitian nila ang isa't isa.

Naibahagi naman ni Ogie na base sa pagkakakilala niya kay Richard ay hindi ito suma-sideline kapag nasa isang relasyon at gayun din daw si Barbie na wala ring balitang nangaliwa.

Naikuwento rin ni Barbie na kapag in love siya ay talagang in love pero kapag nakikita niyang toxic na ang relasyon ay iniiwan na niya pero bago naman mangyari ay talagang binibigyan niya ng dalawang buwan para magbago.

"Ise-set ko sa mind ko na, 'wait lang binabaliw ako nito' na pag hindi ito nagbago sa deadline ay umalis ka na kasi Tito (Ogie) hindi ako puwedeng mabaliw kasi breadwinner ako saka hindi ko alam kung anong mangyayari sa career ko," katwiran ni Barbie.

Pero inamin din ng dalaga na naghahabol din siya, "Most of the time naghahabol ako (ex-boyfriends) pero si Richard hindi ko hinabol."

Natutunan daw ni Barbie sa past relationship niya na dapat hindi na siya ang naghahabol and for the record ay wala raw siyang binalikan na ex.

"Hindi ko po friends ang naging ex ko, pero kapag nasasalubong ko sila, nag-smile lang po ako," sambit ng aktres.

At tungkol naman sa ina ni Richard na si Annabelle Rama ay inamin ni Barbie na magkasundo sila.

"Okay po kami ni Tita Annabelle as in sobrang sweet po sa akin ni Tita Annabelle, sobra pong maalaga," kaswal na sabi ng dalaga.

Nabanggit ni Ogie na pinupuri siya ng mommy ng boyfriend niyang si Richard dahil maalaga siya sa aktor at nagustuhan din ang pa-surprise birthday party ni Barbie kasama ang buong pamilya nito.

Ang naunang plano ay dinner lang sina Barbie at Richard kasama ang mga anak nitong sina Zion at Kai pero plano rin pala ni tita Annabelle na makasama si Richard sa kaarawan nito kasama ang kambal na si Raymond at doon na naisip ng aktres na isama na ang lahat lalo't nakalabas na ng hospital si Eddie Gutierrez at good mood daw ang lahat.

Kaya naman sobrang napuri nga si Barbie ng nanay ng boyfriend niya dahil pinagsama-sama nito ang mga mahal sa buhay ng aktor.

Sabi pa ni Batbie, "Everytime na may gatherings pinagtatabi niya ako ng mga ulam tapos inuuwi ko ang sasarap pa naman ng inoorder ni tita at minsan nagpapadala po siya ng crabs sa bahay sa condo ko po kasi alam niyang mahilig ako sa crabs."

Pero inamin ni Barbie na nu'ng bago pa lang sila ni Chard ay ang mommy nito kaagad ang naisip niya.

"Actually po 'yun ang unang concern kasi talagang natakot po ako (sabay sabing sorry po Tita), pero sa totoo lang po kung sino pa 'yung sinasabing 'maldita' 'yung impression ng mga tao siya pa po 'yung sobrang pinaka-warm sa lahat ng mga mom ng mga naging boyfriend ko po, pero palagi pa rin po akong natatakot po.

"Si Tita po parati niya akong naaalala, mangangamusta kung kumain na ba ako, mga ganyan.  Tapos sometimes may mga phone call siyang ginagawa, tinutulungan niya po ako sa career ko. Panatag po ang loob ko," paglalarawan ni Barbie sa lola nina Zion at Kai.

The post Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita appeared first on Bandera.


Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita Barbie Imperial super love ni Annabelle Rama, hindi totoong maldita Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close