Rhian Ramos hiniwalayan si Sam Verzosa dahil sa isyu ng pagpapakasal?

TRULILI ba na kaya naghiwalay sina Rhian Ramos at ex-boyfriend nitong si Sam Verzosa ay dahil hindi pa handang magpakasal ang dating kongresista?
Aksidenteng nabanggit sa isang showbiz tsikahan na naiinip na raw si Rhian kung kailan siya yayayain ng ex-dyowang politiko at negosyante.
Tanda nga namin sa huling panayam namin kay Rhian noon sa BGC ay nabanggit niya na handa naman na raw siyang magpakasal if ever na magyaya nga si SV, pero hindi nga nangyari hanggang sa maghiwalay na nga sila.
Nasambit ng driver ni Rhian na kaya nagalit ang aktres sa kanya nang husto ay dahil may komunikasyon pa sila ni Sam na nagtugma rin sa nalaman namin na totoong humihingi nga raw ng impormasyon pa ang huli tungkol sa aktres dahil mahal na mahal pa niya ito pero ayaw na sa kanya.
Nabanggit pang, "Gabi-gabi nga umiinom siya (SV) dahil diyan."
Bakit ng ba hindi pa niyaya ni SV si Rhian magpakasal?
"Yan ang talagang malaking tanong," say sa amin ng source.
Sa kasalukuyan ay may kakaharaping legal battle ang magkaibigang Rhian at Michelle Dee dahil sa isinampang kaso ng driver na si "Alyas Totoy."
May nagsabi pa sa amin, "Bakit kaya nagkaroon ng gulo sa driver, mabait pa naman 'yun at matagal na yun kay Rhian!?"
The post Rhian Ramos hiniwalayan si Sam Verzosa dahil sa isyu ng pagpapakasal? appeared first on Bandera.

No comments: