BREAKING NEWS

MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu’n 

MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu'n
Sylvia Sanchez, Krystel Go, Earl Amaba, Sigrid Andrea Bernardo at ang iba pang talent ng Nathan Studios Artists Management

"GOD bless you na lang po." Iyan ang naging sagot ni Krystel Go sa lahat ng mga taong walang ginawa kundi ang mangnega at mambengga ng kapwa.

Sadyang meron pa rin talagang mga nilalang na buhay pa ay sinusunog na ang kaluluwa sa impiyerno dahil sa kasamaan ng pag-uugali.

Tulad na lang ng mga nang-ookray at nanlalait kay Krystel na siyang nagwaging best actress sa Metro Manila Film Festival 2025 para sa pelikulang "I'mPerfect" mula sa Nathan Studios.

Pero sa halip na patulan, hindi na lang pinapansin ng dalagang may Down Syndrome ang mga masasakit na salitang ibinabato laban sa kanya ng mga bashers.

Sa interview sa kanya ng "I-Listen with Kara David" vodcast, natanong si Krystel kung ano ang isinasagot niya kapag naririnig ang mga salitang "mongoloid," "retarded" at iba pang mapanghusgang salita mula sa ibang tao.

"God bless you na lang po. Never akong lumalaban sa ganu'n. Walang mangyayari. Walang mangyayari sa work sa akin," saad ng young actress.

Tinanong din ni Kara David ang nanay ni Krystel na si Amy kung ano ang reaksyon niya kapag nakakarinig ng mga hindi kagandahang salita tungkol sa kanyang anak.

"Masakit. Kasi siyempre meron naman talagang tawag sa kanila na dapat nilang gamitin. Pero 'yun nga, kagaya ng sinasabi niya, na 'God bless you' na lang. 

"Minsan masarap sabihin na, 'Alam mo naman may karma tayo. Sana huwag dumating sa inyo 'yun.' Pero pangit, kaya huwag na lang. Yung 'God bless you' na lang," aniya.

Samantala, inalala rin Krystel nang manalong "Best Actress in a Leading Role" para sa "I'mPerfect" sa MMFF 2025 Gabi ng Parangal.

"I was so happy. I did not expect it. Nilamig 'yung kamay ko noon. Dahil sa ang dami kong dinasal, ayun na. Noong tinawag ako, worth it 'yung dasal ko," sey ng dalaga.

Sey ni Krystel matagal na niyang pangarap ang maging artista, "Gusto ko na talaga noong bata pa ako. And then, artist and to be a model."

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya nang kunin siya ng Nathan Studios para magbida sa "I'm Perfect" kung saan gumawa pa siya ng kasaysayan sa mundo ng showbiz bilang first ever best actress sa Pilipinas na may down syndrome.

"'Yung pagod at kabado, wala akong naramdaman na ganu'n. Masaya lang tsaka enjoyment," ani Krystel. 

Samantala, pumirma na ng kontrata si Krystel sa Nathan Studios Artists Management kasama ang iba pang cast members ng "I'mPerfect" last February 3.

Ayon sa Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez, tatlong taon ang kontrata ng mga batang may Down Syndrome sa pangunguna nga ng loveteam nina Krystel Go at Earl Amaba, Carl Garcia, Angela Batallones, Bea Mendoza, Javi Sarmiento, Royce Rivera at Gio Dicen.

Sinamahan sila ng kani-kanilang mga magulang sa pagpirma ng kontrata sa Nathan kasama si Sylvia Sanchez. 

Kasama rin sa contract signing si Ice Almeria, ang itinanghal na unang champion ng reality show na "Time To Dance" na napanood sa ABS-CBN noong 2025.

Narito naman ang bahagi ng mensage ni Sylvia after ng contract signing.

"Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.

"Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo.

"These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.

"Bago pa man magsimula ang pelikulang I'mPerfect, nakikitaan na namin kayo ng potensyal. We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause. 

"And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo. We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you. 

"Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.

"Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.

"Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado…gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.

"Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala—tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.

"Welcome to Nathan Studios. This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you."

The post MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu'n  appeared first on Bandera.


MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu’n  MMFF 2025 Best Actress Krystel Go sa bashers: Never po akong lumaban sa ganu’n  Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close