BREAKING NEWS

Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare?

Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare?
PHOTO: Instagram/@laraquigaman

INALALA at binalikan ng dating beauty queen na si Lara Quigaman ang isang nakakatakot na yugto ng kanyang buhay.

Pagbubunyag niya, sinugod siya sa ospital noong Nobyembre dahil sa matinding pananakit ng dibdib.

Sa isang Instagram post bilang pakikiisa sa Heart Month, ibinahagi ni Lara ang mga larawan niya, habang nakahiga sa hospital bed at ikinuwento ang naging huling confinement.

"Last November, Marco had to call 911 as I was having severe chest pain, unlike anything I've ever felt before. I was rushed to the hospital in an ambulance, and since then I've undergone a series of tests to find out what's happening with my heart," saad ni Lara sa caption ng kanyang post.

Baka Bet Mo: Lara Quigaman preschool teacher na sa Canada: Hindi po siya madali!

Ayon sa dating aktres, agad namang inalis ng mga doktor ang posibilidad na may kinalaman sa puso ang kanyang naramdamang sakit, ngunit patuloy pa rin siyang mino-monitor upang masiguro na maayos ang lagay ng kanyang puso.

"Today, a few more tests were done to make sure there are no blockages. I had to be at the hospital for more than four hours, but those hours also meant having the time to reflect and pray," dagdag pa niya.

Inamin ni Lara na nagdulot sa kanya ng matinding anxiety ang pinagdaanan, lalo na tuwing naghihintay siya ng resulta ng mga medical test.

"Sometimes I feel anxious, waiting for results, especially when I feel pain in my chest area or when I feel short of breath. But I am grateful for this season. God is teaching me to trust and be still before Him and to give Him my heart-literally," emosyonal niyang pahayag.

Nagbigay rin ng mensahe ng lakas ng loob si Lara sa mga dumaranas ng parehong health concerns.

"If you are going through something similar, if you feel fear or uncertainty, may this be a reminder to be still and know that God is God and to give your heart to Jesus too. He loves you, He will always be faithful, and He is in control," saad niya.

Aniya pa, "The happiest heart is the one resting in God's hands."

Si Lara Quigaman ay kinoronahang Miss International noong 2005.

Matapos ang ilang taon sa showbiz, pinili niyang lumayo sa limelight upang tutukan ang buhay-pamilya matapos pakasalan si Marco Alcaraz noong 2015.

Mayroon silang tatlong anak na lalaki.

Noong Hunyo 2025, inanunsyo ng dating beauty queen-actress na natapos na rin niya ang kanyang early childhood education course sa Canada, kung saan siya ay grumaduate na may distinction.

The post Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare? appeared first on Bandera.


Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare? Lara Quigaman ilang buwan nang sumasailalim sa medical tests, anyare? Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close