BREAKING NEWS

Mavy Legaspi, Ashley Ortega palaban sa intense, intimate scenes

Mavy Legaspi, Ashley Ortega palaban sa intense, intimate scenes
Mavy Legaspi at Ashley Ortega

EXTRA challenge para sa celebrity couple na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi ang ginawang intense at intimate scenes sa GMA Afternoon Prime series na "Hating Kapatid."

Gagampanan ni Ashley ang role ni Angel sa guest appearance niya sa naturang serye na mai-involve sa karakter ni Mavy bilang si Tyrone.

Yes! Magkakaroon ng crossover ang karakter ni Ashley sa "Hating Kapatid" bago siya tuluyang mapanood bilang Angel sa upcoming Kapuso drama mystery series na "Apoy sa Dugo." 

Dito makakasama naman niya ang real-life couple din na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Inamin ni Ashley na naging matinding hamon para sa kanila ng dyowang si Mavy nang kunan ang daring scenes nila sa "Hating Kapatid."

"Una may kaunting awkwardness tapos medyo kinabahan din ako kasi parang ito nga, first time namin magka-work. 

"Pero habang tumatagal naman, nagiging okay na. And of course, working with someone you love is talagang, it makes you feel like home," kuwento ni Ashley sa panayam ng "Balitanghali."

"'Pag nag-work na siya, matatawa na ako. But siyempre, at the end of the day, we keep it professional. That was just like the first take. 

"No need for any chemistry work or whatsoever," sey naman ni Mavy.  

Inamin din ng Kapuso couple na biggest fear nila ang makatrabaho ang isa't isa. Sabi ni Mavy, "Biggest fear namin 'yun. Dahil alam namin tatawa lang kami at 'yun din ang nangyari, pero mas naging enjoyable siya. 

"Super naging enjoyable siya dahil siyempre close si Ash sa akin and super naging madali ang trabaho," chika ng binata.

The post Mavy Legaspi, Ashley Ortega palaban sa intense, intimate scenes appeared first on Bandera.


Mavy Legaspi, Ashley Ortega palaban sa intense, intimate scenes Mavy Legaspi, Ashley Ortega palaban sa intense, intimate scenes Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close