BREAKING NEWS

Arabelle dela Cruz sa pagkapanalo sa Veiled Cup Korea: Grabe ‘yung plano ni Lord

Arabelle dela Cruz sa Veiled Cup Korea: Grabe 'yung plano ni Lord!
Arabelle del Cruz

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Arabelle dela Cruz sa naiuwing tagumpay mula sa pakikipagbakbakan sa South Korea.

Ang Kapuso singer ang itinanghal na Grand Champion sa katatapos lamang na reality singing competition na "Veiled Cup Korea 2026".

Si Arabelle ang nag-iisang Filipina na umabot sa grand finals ng nasabing Korean competition.

Kaya naman panibagong karangalan para sa Pilipinas ang tagumpay na nakamit ni Arabelle sa naturang international singing contest. 

Napanganga at napa-wow ng tinaguriang Laguna Diva ang buong mundo sa kanyang rendition ng "Feeling Good" ni Michael Bublé.

"Super hindi ko 'yun in-expect 'yung naging competition. Kasi after ng The Clash sabi ko parang wala na ako maisip na sasalihan, e. 

"Tapos biglang dumating 'yung Veiled Cup. Sabi ko 'Grabe talaga 'yung mga plano ni Lord,'" ang pahayag ni Arabelle sa panayam ng GMA morning show na "Unang Hirit".

Aniya pa, talagang ibinigay daw niya ang lahat-lahat sa kanyang winning performance hindi lang para sa kanyang sarili kundi para sa buong Pilipinas na kanyang ibinandera sa kumpetisyon.

Abot-langit din ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagdasal at sumuporta sa kanya mula simula hanggang ending ng "Veiled Cup 2026."

"Sobrang na-appreciate ko po kayo at maraming-maraming salamat kasi nagtiwala kayo sa akin. 

Sa lahat din bumoto, sobrang effort po ninyo kaya maraming maraming salamat. Para sa ating po lahat 'yung pagkapanalo po 'yun," sey ng dalaga.

Unang nakilala at nagwagi si Arabelle bilang first runner-up sa Kapuso singing competition na "The Clash" last year.

Sa Veiled Cup naman ay nakasama rin niya ang mga kapwa Sparkle artists at "The Clash" alumni na sina Garrett Bolden at Thea Astley.

The post Arabelle dela Cruz sa pagkapanalo sa Veiled Cup Korea: Grabe 'yung plano ni Lord appeared first on Bandera.


Arabelle dela Cruz sa pagkapanalo sa Veiled Cup Korea: Grabe ‘yung plano ni Lord Arabelle dela Cruz sa pagkapanalo sa Veiled Cup Korea: Grabe ‘yung plano ni Lord Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close