BREAKING NEWS

Vice Ganda dinogshow impeachment kina PBBM, VP Sara: Ang angas! Pilipinas!

Vice Ganda dinogshow impeachment kina PBBM, VP Sara: Ang angas! Pilipinas!
Sara Duterte, Vice Ganda at Bongbong Marcos

PAK na pak sa madlang pipol ang latest hirit ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda patungkol sa nangyayari ngayon sa Pilipinas.

Sa nakaraang live episode ng "It's Showtime", sinabi ni Vice na kung may oras lang daw talaga siya ay sasabak siya sa Miss Gay beauty pageant.

Nangyari ito sa "Laro Laro Pick" segment ng Kapuso at Kapamilya noontime show kung saan ibinandera ng TV host-comedian ang magiging introduction niya sakaling rumampa nga siya sa isang pageant.

"Magandang tanghali sa inyong lahat. Ako po si Maria Christina Minalasmalas. Ang babaeng walang ka-buwenas-buwenas!" hirit ng Metro Manila Film Festival 2025 Best Actor for "Call Me Mother."

Dugtong pang sey ni Vice, "Gustung-gusto naming sumasali ng beauty pageant. Ako, kunwari wala akong gagawin, sasali ako Miss Gay talaga."

"Paano intro mo?" ang hirit na tanong sa kanya ng co-host na si Jhong Hilario.

Sagot naman ni Vice sabay intro, "Magandang tanghali sa inyong lahat. Ako po si Maria Christina Minalasmalas. Ang babaeng walang ka-buwenas-buwenas!

"Mula sa nag-iisang bansa na nakaranas na ang Presidente at Bise-Presidente ini-impeach parehas. Ang angas, Pilipinas!" ang sigaw pang pagpapakilala ni Meme.

Pareho sinampahan ng impeachment complaints sina Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte dahil sa umano'y pagkakasangkot nila sa iba't ibang issue. 

The post Vice Ganda dinogshow impeachment kina PBBM, VP Sara: Ang angas! Pilipinas! appeared first on Bandera.


Vice Ganda dinogshow impeachment kina PBBM, VP Sara: Ang angas! Pilipinas! Vice Ganda dinogshow impeachment kina PBBM, VP Sara: Ang angas! Pilipinas! Reviewed by pinoyako on February 03, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close