BREAKING NEWS

Mark Herras, Nicole Donesa naka-‘unfollow’ sa isa’t-isa sa IG, hiwalay na?

Mark Herras, Nicole Donesa naka-'unfollow' sa isa't-isa sa IG, hiwalay na?
PHOTO: Instagram/@herrasmarkangeloofficial

MATAPOS ang viral video na umiiyak, may panibagong pinag-uusapan ang mga Marites tungkol kay Mark Herras.

Ang tanong naman ngayon ng karamihan, hiwalay na kaya sila ng kanyang misis na si Nicole Donesa at ito kaya ang dahilan ng recent post ng aktor?

Napansin kasi ng eagle-eyed netizens na naka-unfollow na sa isa't-isa ang mag-asawa sa Instagram.

Siyempre, chineck ng BANDERA ito at nakumpirma namin na wala na nga sila sa following list ng sarili nilang account.

Baka Bet Mo: Mark Herras, Jojo Mendrez naispatan sa Batangas, may pasorpresa sa Pasko?

Mark Herras, Nicole Donesa naka-'unfollow' sa isa't-isa sa IG, hiwalay na?
PHOTO: Screengrab from Instagram

Bago mapansing nag-unfollow, nag-post si Mark ng isang short video sa socmed na makikita siyang tila balisa at umiiyak. 

May caption pa nga itong, "Kulong Sa Sistema."

Sa isang bahagi ng IG reel ay makikitang nagyoyosi sang aktor na sinundan nga ng pag-iyak, habang nakaupo at tila nakasandal sa pader.

May eksenang nagpupunas siya ng luha gamit ang pulang tuwalya at meron ding nagbibihis siya sa loob ng kwarto at naglalakad nang naka-hood.

Hindi malinaw kung ano ang nais ipahiwatig ng aktor sa nasabing video pero mukhang may matindi siyang pinagdaanang problema.

Sa comment section, bumuhos ang mensahe ng pakikisimpatya kay Mark, kabilang na ang mga kaibigan niya sa showbiz.

Matatandaan noong 2019 nang unang magkakilala sina Mark at Nicole sa set ng "Bihag."

Taong 2021 naman naman nang ikinasal ang dalawa at biniyayaan ng dalawang anak.

The post Mark Herras, Nicole Donesa naka-'unfollow' sa isa't-isa sa IG, hiwalay na? appeared first on Bandera.


Mark Herras, Nicole Donesa naka-‘unfollow’ sa isa’t-isa sa IG, hiwalay na? Mark Herras, Nicole Donesa naka-‘unfollow’ sa isa’t-isa sa IG, hiwalay na? Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close