BREAKING NEWS

ASAP may bonggang musical celebration; Jerry Yan balik-primetime sa Feb. 9!

ASAP may bonggang selebrasyon; Jerry Yan balik-primetime sa Feb. 9!

SA part 2 na handog ng programang ASAP ay tuloy-tuloy ang selebrasyon bukas, February 8, sa engrandeng musical celebration para sa mga solid Kapamilya!

Hatid ng Kapamilya stars at rock bands ang "ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat," na mapapanood nang live sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.

Engrandeng grand opening number ang bubungad sa fans ngayong Linggo sa pangunguna nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Darren, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, AC Bonifacio, Gela Atayde, Jameson Blake, Jeremy Glinoga, at Michelle Garcia, kasama ang housemates ng "PBB Gen 11" na sina Fyang Smith, Kai Montinola, JM Ibarra, Jarren Garcia, Kolette Madelo, Rain Celmar, Jas Dudley-Scales, at Binsoy Namoca, pati na rin ang mga housemates ng "PBB Celebrity Collab" na sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph, Klarisse De Guzman, Esnyr Ranollo, at Bianca de Vera.

Hindi dapat palampasin ng Blooms ang pasabog na number mula sa BINI tampok ang kanilang hits na "Salamin," "Shagidi," at "Bikini."

Baka Bet Mo: Jerry Yan napaiyak nang dalawin puntod ni Barbie Hsu, ilang minutong nagdasal

Humanda na rin sa pangmalakasang performance nina Regine Velasquez-Alcasid, Belle, at Anne Curtis kasama ang Imago.

Bonggang collabs din ang handog nina Gary Valenciano at Ogie Alcasid kasama ang Soapdish, at nina Jolina Magdangal at Jona kasama ang 6Cyclemind.

Samantala, maki-jamming sa hit songs ng Mayonnaise.

Abangan naman ang madamdaming performance mula kina Moira, Klarisse, at Darren, at susundan ito ng pasabog na number mula kina Martin Nievera, Erik Santos, Kyle, at Neocolours.

Magpapatuloy ang libreng concert experience sa performance nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Yeng Constantino, at Jason Dy kasama ang Freestyle.

Samahan naman ang BGYO sa pagkanta nila ng latest song na "Divine," habang huwag din palampasin ang bersyon nina Marko Rudio, Darren, at Kyle ng "Gento" at "Dam."

Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi Domingo, Belle, Alexa, Kyle, at Darren.

Mapapanood na ngayon ang "ASAP" sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 -buksan ang inyong digital black box, pindutin ang scan button sa remote control, at hanapin ang nasabing channel.

Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng "ASAP Presents: ALL2GETHER KAPAMILYA: A Grand Pasasalamat" ngayong Linggo sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWant.

***

Balik-primetime ang Asia's Original Heartthrob na si Jerry Yan sa kanyang Chinese drama na "Forbidden Flower," na tiyak magpapaantig at magpapaiyak sa mga manonood simula ngayong Lunes, February 9 sa Kapamilya Channel, ALLTV2, iWant, at A2Z.

Kilig overload ang matutunghayan sa serye, lalo pa at makakasama riayn ni Jerry ang Asian Superstar na si Xu Ruo Han.

Samahan sila sa isang kwentong puno ng pag-ibig at pag-asa.

Iikot ang "The Forbidden Flower" sa kwento ni He Ran (Xu Ruo Han), isang 20 anyos na art teacher na nagmula sa isang mayaman at konserbatibong pamilya.

Magbabago ang kanyang tahimik niyang buhay nang makilala niya si Xiao Han (Jerry Yan), isang mahusay na horticulturist na may tinatagong nakaraan.

Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, mabubuo ang isang malalim na pag-iibigan na susubukin ng panahon dahil sa malubhang sakit ni He Ran.

Habang hinaharap nila ang mga pagsubok, pareho silang makakahanap ng ginhawa at lakas sa isa't isa.

Mapaglalaban kaya nila ang pagmamahalan sa kabila ng banta sa kalusugan ni He Ran at tinatagong nakaraan ni Xiao Han? 

Huwag palampasin ang "Forbidden Flower" simula February 9 (Lunes), 10:15PM sa Kapamilya Channel sa ALLTV2, iWant, at A2Z. 

Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, X, Instagram, TikTok, at Threads o bisitahin ang corporate.abs-cbn.com/newsroom.

The post ASAP may bonggang musical celebration; Jerry Yan balik-primetime sa Feb. 9! appeared first on Bandera.


ASAP may bonggang musical celebration; Jerry Yan balik-primetime sa Feb. 9! ASAP may bonggang musical celebration; Jerry Yan balik-primetime sa Feb. 9! Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close