BREAKING NEWS

Glaiza sa trending moment ng mister, Maris: ‘Ang gagaling niyo mag-imbento!’

Glaiza sa trending moment ng mister, Maris: 'Ang gagaling niyo mag-imbento!'
PHOTO: Screengrab from Facebook

NAGSALITA na ang aktres na si Glaiza De Castro tungkol sa kumakalat na chika kaugnay sa kanyang mister na si David Rainey at kapwa-aktres na si Maris Racal.

Noong December 2025 kasi nang biglang mag-viral sa social media ang isang video clip sa kasagsagan ng premiere night ng pelikulang "Unmarry," kung saan nasa gitna nina Glaiza at Maris ang mister ng huli.

Diyan napansin ng marami na tila nakatingin at halos nakatitig na kay Maris si David, na nagresulta ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens.

Dahil sa pangyayaring 'yan, ito ay binalikan at inusisa ng King of Talk na si Boy Abunda nang mag-guest sa kanyang programa si Glaiza kamakailan lang, kasama ang co-stars sa "Encantadia Chronicles: Sang'gre" na sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, at Gabbi Garcia.

Baka Bet Mo: Glaiza target ang international scene sa 2026: 'Something related to music!'

Ang sabi ni Glaiza, "I don't have any controversial relationships tapos nung binring up 'yung premiere night, ang first reaction ko 'nun, pinakita ko kay David, 'you're trending.' Sabi niya, 'what? bloody hell'."

Ayon sa aktres, hindi sanay sa public exposure ang kanyang non-showbiz husband, kaya natural lang ang kanyang reaksyon.

"Syempre ang tendency ni David, parang anong gagawin ko dito, what do I do? 'Di ba hindi naman din po siya kinakausap, kumbaga parang wala naman nagtanong sa kanya," kwento ng aktres.

Dagdag pa niya, "Ang nagsalita nun si Kean, ako, si Maris, so nung time na nagsasalita si Maris, of course tumitingin siya kay Maris, so 'yun 'yung explanation."

Magugunita na dahil sa viral clip, may ilang netizens na sobrang nagpa-hype at inakusahan pa si David na may tendency na mag-cheat.

Kwento niya kay Tito Boy, "Dumating sa time na binabasa ko lahat ng comment. 'Oh my god, 'yung asawa mo Glaiza bantayan mo kasi may tendency siyang mag-cheat'. Tapos ano po 'yun Christmas season 'yun eh dahil [Metro Manila Film Festival], so sinabi ko talaga sa mga pamangkin ko, sa nanay ko, 'nay tingnan niyo meron trending si David, sagutin ko ba?' na parang ang gagaling niyo mag-imbento, ganun."

"Gusto ko na talagang sumagot. I didn't, I didn't, especially po for David din, for David's sake and sa mga pamangkin ko na nagsasabi 'wag na tita, hayaan mo na 'yan,'" aniya.

Kung matatandaan, Noong October 2021 nang ikinasal sina Glaiza at David.

The post Glaiza sa trending moment ng mister, Maris: 'Ang gagaling niyo mag-imbento!' appeared first on Bandera.


Glaiza sa trending moment ng mister, Maris: ‘Ang gagaling niyo mag-imbento!’ Glaiza sa trending moment ng mister, Maris: ‘Ang gagaling niyo mag-imbento!’ Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close