BREAKING NEWS

BINI, SexBomb sinorpresa madlang pipol, nag-versusan sa ‘Halukay Ube’

NAGTILIAN ang mga pinalaki ng SexBomb sa loob ng Mall of Asia Arena sa paglabas ng nation's girl group na BINI sa gitna ng performance ng SexBomb sa kanilang kanta na "Halukay Ube".

Trending ngayon sa social ang mga videos na kuha sa nagdaang rAWnd 3 ng concert ng SexBomb.

Habang sinasayaw kasi ng grupo ang isa sa hit songs nilang "Halukay Ube" ay biglang lumabas sa gitna ng stage ang BINI dahilan para mas lalong umingay ang crowd.

Ang isang video na trending ay posted ng Philippine Concerts.

Baka Bet Mo: Rochelle Pangilinan inspirasyon ang BINI sa SexBomb concert

"BINI joins SexBomb Girls for Halukay Ube performance," saad nito sa caption.

Umani naman ng samu't-saring komento mula sa netizens ang naturang video.

"Sabi nila maaarte ang BINI, di naman pala o. Busy yan sila pero they still found time to oblige Pinoy Ppop fans na mag apppear sa concert ng Sexbomb," saad ng isanc netizen.

Comment naman ng isa, "I just loved the collab between these two girl bands from different generations. It's a testament that they aren't competing with each other, but supporting one another, even across different eras. Gikilig ko!!!"

"Wag nang magkumpara ha maging masaya na lang tayo para sa kanila SB and BINI," sey naman ng isa.

Marami rin sa netizens ang curious kung ano kaya ang reaksyon ng anak ni Rochelle na si Shiloh ngayong magkasama sila ng BINI mag-perform sa stage.

"sobrang saya ni Rochelle para sa anak niya… napaguest pa niya sa concert nila yung idol ng anak niya… solid!! Goosebumps."

Makikita namang ilan sa mga BINI members ang nag-retweet ng kanilang performance sa X (dating Twitter).

"ANG FANTASY KWOAHHH huhu thank you and love you po our sexbomb ates 🥹💜 GET GET AWHHHHHH," sey ni Sheena.

Bukod sa "Halukay Ube" ay sinayaw rin ng SexBomb at BINI ang hit song ng huli na "Pantropiko".

The post BINI, SexBomb sinorpresa madlang pipol, nag-versusan sa 'Halukay Ube' appeared first on Bandera.


BINI, SexBomb sinorpresa madlang pipol, nag-versusan sa ‘Halukay Ube’ BINI, SexBomb sinorpresa madlang pipol, nag-versusan sa ‘Halukay Ube’ Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close