Glaiza de Castro kinabahan nang ipalabas ang ’58th’ sa Netherlands

HINDI maitago ng award-winning Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang sobrang kaligayahan sa pagpapalabas ng "58th" sa 2026 International Film Festival Rotterdam (IFFR).
Nasa Netherlands ngayon si Glaiza para sa mga piling screening ng animated film ng GMA Public Affairs and GMA Pictures na may kinalaman sa Maguindanao Massacre.
Pagbabahagi ni Glaiza sa kanyang social media account patungkol sa kanilang pelikula, "This was the very first time I watched our film, and honestly, I was so nervous.
"We shot all of our scenes with minimal practical props and relied mostly on our imagination to envision everything.
"But seeing it all come together—the animation, the actual footage, and the way the story was retold—made me really proud to be part of this project," pahayag ng Kapuso star.
Iba rin daw ang feeling na kasama niyang mapanood ang docu-film ang mga kapwa Pinoy sa Netherlands.
"It was also meaningful to watch it with fellow Filipinos who have been living here, and although it was a sad event, it reminded all of us that we should never stop questioning and never lose hope. What an incredible first film festival experience!" aniya pa.
Ginampanan ni Glaiza sa pelikula ang karakter ni Reynafe Castillo, ang anak ng nawawalang photojournalist na si Reynaldo "Bebot" Momay, na ginampanan naman ng yumaong aktor na si Ricky Davao.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama ang GMA Network sa IFFR.
* * *
Talagang high energy ang ipinamalas nina Charlie Fleming, Sean Lucas, Anthony Constantino, at Allen Ansay sa pakikisaya sa Dinagyang Festival noong January 25.
Tilian ang lahat nang lumabas sa stage ang mga Sparkle artist sa jam-packed Kapuso Mall Show sa Festive Walk Mall. Na para bang di napagod ang mga bagets, ha!
Bago kasi ang mall show, dumaan din ang cast sa Freedom Grandstand kung saan ginanap ang Dinagyang Ati Tribe Competition. Dito ay game na nakisaya pa ang cast sa mga nanuod ng kumpetisyon.
Abangers na nga ang fans sa susunod na pag-ikot ng mga bida ng "Huwag Kang Titingin" na mapapanood na sa sinehan this year. Ang pelikula ay co-produced ng Mentorque Productions.
The post Glaiza de Castro kinabahan nang ipalabas ang '58th' sa Netherlands appeared first on Bandera.

No comments: