BREAKING NEWS

Paano napunta kay Willie Revillame ang Wil Tower na binili ni Manny Villar?

Paano napunta kay Willie Revillame ang Wil Tower na binili ni Manny Villar?
Manny Villar at Willie Revillame

IDINETALYE ng veteran TV host na si Willie Revillame ang tungkol sa pag-aari niyang Wil Tower na matatagpuan sa harap ng audience entrance ng ABS-CBN sa Quezon City.

Sa mga hindi pa aware, ang Wil Tower ay isang high-rise condo building at commercial complex sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City na na-aquire ni Willie noong kasikatan ng noontime show niyang "Wowowee."

Nagkuwento ang beteranong TV host at dating aktor tungkol sa naturang property sa mediacon ng bago niyang game show na "Wilyonaryo".

Ayon kay Willie, tatlo ang may-ari ng magkakadikit na lote na kinatatayuan ngayon ng Wil Tower, ang dating presidente ng ABS-CBN na si Freddie M. Garcia, at dalawa pang pribadong indibidwal. 

"Yung tatlong lupa na yun, bakit ko binili isa-isa? Dinemanda kami nu'n, e. Pinapahinto yung Wowowee sa ABS-CBN. Why? Kasi sobrang dami ng taong nakapila. 

"Doon nagka-camp, doon tumitira. Doon na lahat. So, lagi kaming binabarangay," ang pagbabalik-tanaw ni Willie kung saan napakaraming pumipilang contestants na nagbabakasakaling makapaglaro sa "Pera o Bayong."

"So, ang ginawa ko, nakipag-usap ako sa mga may-ari. And then, it's a good thing naman yung time na yon, e, ready na silang magbenta," ang lahad ni Willie.

Napa-oo naman daw niya agad si FMG pati na ang isa pang may-ari ng lote pero yung ikatlong owner ay biglang nag-backout.

Hanggang sa nakilala niya ang anak ng third owner ng property na isang 34-anyos na na may special needs, "Niyakap ako. Nung pagyakap sa akin, binigyan ko ng jacket. Dinala ko sa ABS, nanood ng show.

"Kinabukasan, tinawagan ako nung asawa (ng may-ari), 'Gusto mo ba itong lugar na ito?' And then right there and then, binenta sa akin.

"Because yung anak nilang may special (needs) parang sumaya raw at napasaya ko. So, kaya nabili yung tatlong lupa na yun," pag-alala ni Willie.

Si dating Sen. Manny Villar daw ang bumili ng naturang property at nagpatayo ng building doon na ipinangalan kay Willie. Ito raw ang request niya nang iendorso niya si Villar noong 2010 presidential elections, kung saan ang naihalal na pangulo ay ang yumaong former President Noynoy Aquino.

"Yun lang ang naging deal namin ni Senator Villar during the time na tumatakbo siyang presidente. Sabi ko, 'Huwag niyo ho akong bayaran. Patayuan niyo lang ako ng maliit na parang studio ng Wowowee.' Parang maliit na Araneta Coliseum. Kaya binili ko yun. Yun ang konsepto talaga noon.

"And then after that, hindi naman siya pinalad maging presidente, pero ipinagkaloob niya sa akin yung Wil Tower. Kaya nagkaroon ako ng Wil Tower because of the Villars," sabi pa ng TV host.

May balitang ibinenta rin umano ni Willie ang Wil Tower Mall kay Villar noong 2015 at ang natitira na lamang niyang pag-aari roon ay ang penthouse, 39th floor na nagsilbing office niya, at ang events place sa building.

Samantala, napapanood na rin ang "Wilyonaryo" sa WilTV o Channel 10 ng Cignal TV bukod sa kanilang official website.

The post Paano napunta kay Willie Revillame ang Wil Tower na binili ni Manny Villar? appeared first on Bandera.


Paano napunta kay Willie Revillame ang Wil Tower na binili ni Manny Villar? Paano napunta kay Willie Revillame ang Wil Tower na binili ni Manny Villar? Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close