Barbie Forteza: Ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa ‘yo

MATAGAL-TAGAL na ring single ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza after ng breakup nila ni hunk actor na si Jak Roberto.
May mga chika last year na nagkakamabutihan na sila ng Kapamilya star na si Jameson Blake pero parang bigla na lang namatay ang pagsi-ship sa kanila ng fans.
Sa panayam ng BANDERA kay Barbie nitong nagdaang Biyernes, January 30, kinumpirma nga niya na solo siyang magse-celebrate uli ng Valentine's Day this year, tulad nang nakaraang taon.
"My heart is full, and my heart is very happy. I really make time for myself. I'll spend Valentine's Day alone, just like last year. And super super happy. I'm surrounded with a lot of good friends.
"Kung nakikita n'yo, ang sipag ko na uli tumakbo. Kasi, ang dami ko ng mga kaibigan na nagyayaya sa aking tumakbo.
"And that brings me so much joy na nakaka-inspire din kami ng iba to have a healthier lifestyle," sey ng Kapuso star.May mga hula na magkakaroon na raw uli ng love life si Barbie ngayong 2026 pero nasa kanya raw kung tatanggapin niya ito o hindi. Ang tanong namin sa kanya kung open na ba ang puso niyang magmahal at magka-boyfriend uli?
"Yes, I'm open naman, wala namang problema. Ano naman, e, again, my cup is always full. I'm always ready to give love," ang tugon ng dalaga.
Aniya pa, "Ang saya lang kasi, e. Ang sarap ng pakiramdam na may nagmamahal sa yo, na alam mo sa sarili mo na capable ka to love and to receive love."
Samantala, excited na ang aktres sa nalalapit na showing ng bago niyang pelikula, ang "Until She Remembers" kasama ang dalawang showbiz icon na sina Charo Santos at Boots Anson Roa-Rodrigo.
Ayon sa direktor ng movie na si Brillante Mendoza, talagang in character agad si Barbie kapag dumating sa shooting. Dahil dito, inakala ng ibang production staff na suplada siya.
"Actually, sa totoo lang, hindi ko alam kung supladita or mas talagang focused. Kasi, since wala ho kaming script, kapag nagsasalita si Direk, I wanna make sure na I get everything.
"Kasi, iyon na ang pinaka-script ko, e. Lahat ng sasabihin niya. So whenever he's talking, whenever he's speaking, I wanna make sure na I get everything. I absorb everything.
"Kaya pag ganyan, talagang wala, sa kanya lang ako nakatingin talaga," natawang sey ng dalaga.
"I just want to be present. Kasi since wala nga ho kaming script, hindi ko alam kung anong eksena yung kukunan namin, kung light or mabigat, e.
"So, ayoko lang ng masyadong makampante sa set. Hindi po ba? I had to be on my toes all the time, na kailangan ready ako, vulnerable enough ako, open enough ako to react to whatever Direk wants me to do," paliwanag pa niya.
Sey pa ni Barbie sa kanyang experience working with Direk Brillante na walang script, "Liberating! Definitely I really appreciate the experience and I will definitely carry all the lessons that I've learned to my next projects."
The post Barbie Forteza: Ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sa 'yo appeared first on Bandera.

No comments: