Boobs ni Chappell Roan pasabog sa 68th Grammys, gown nakakabit sa nipples

AGAW-EKSENA ang international singer na si Chappell Roan dahil sa kanyang pasabog at iskandalosang OOTD sa 68th Grammy Awards na ginanap nitong February 1.
Naloka ang mga nakakita sa outfit ni Chappell sa naturang event kung saan halos nakabuyangyang na ang kanyang mga boobs.
Ang tanging natatakpan lang kasi ay ang kanyang nipples, kung saan naka-attached nga ang isang nipple ring na siyang nagsisilbing support sa kaniyang romantic gothic backless see-through OOTD.
Kitang-kita rin ang suot niyang underwear at mga tattoo sa likod with matching gold choker na may pink gemstones.
May pagka-gothic din ang kanyang makeup na tinernuhan ng copper-red hair with curly bangs at mga tirintas na tila buhok ng isang sirena.
Batay sa mga report, si Genesis Webb ang nag-style kay Chappell habang ang pangmalakasang OOTD niya ay mula sa French luxury fashion house Mugler, custom-made ng designer na si Miguel Castro Freitas.
Hango raw ito sa iconic Spring-Summer 1998 couture collection ni Manfred Thierry Mugler.
Para sa mga hindi pa nakakakilala kay Chappell Roan, siya ay isang American pop singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga bonggang performance sa teatro, fashion style at queer-positive themes sa kanyang music.
Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay ang "Good Luck, Babe!", "Cleopatra," "Hot to Go," at "Pink Pony Club".
The post Boobs ni Chappell Roan pasabog sa 68th Grammys, gown nakakabit sa nipples appeared first on Bandera.

No comments: