BREAKING NEWS

AJ Raval hindi nagpapa-check up kahit buntis: Ginagamot ko sarili ko

AJ Raval hindi nagpapa-check up kahit buntis: Ginagamot ko sarili ko
AJ Raval at Aljur Abrenica kasama ang mga anak

MATINDI rin ang pinagdaanan ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval noong kasagsagan ng pagtatago nila ni Aljur Abrenica sa kanilang relasyon.

Rebelasyon ni AJ, umabot daw siya sa puntong kailangan niyang mag-self medicate habang ipinagbubuntis ang mga naging anak nila ni Aljur para hindi sila makita ng mga tao.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa dating sexy actress para sa kanyang online talkshow na "Toni Talks", inisa-isa ni AJ ang mga pagsubok na kanyang hinarap bilang nanay.

Ayon kay AJ, makalipas ang ilang taon, nagdesisyon sila ni Aljur na ilantad na ang kanilang relasyon pati na ang pagkakaroon nila ng mga anak.

"Kasi gusto na po naming matapos, gusto naming maging malaya. Sa bahay lang namin may mga tao na nandoon, hindi ko kilala, gusto lang nilang maka-capture ng mga bata. 

"Gusto namin silang ipasyal, gusto namin silang bigyan ng malaking birthday celebration," saad ng anak ng action star na si Jeric Raval.

Dugtong ng aktres, "Nagsawa na rin po kakatago. 'Yun pong huling baby ko paglabas niya, kapag may chance ilalabas ko na."

Sabi pa ni AJ, sa takot na baka pagtsismisan at maharas ang kanilang mga anak, pati ang pagpunta sa doktor noong nagdadalang-tao siya ay hindi nila magawa.

"Mahirap. isipin n'yo po hindi po ako nagpapa-check up. Ginagamot ko ang sarili ko nagse-search ako ng vitamins," ani AJ.

Masakit din daw ang pagtawag ng panganay niyang anak sa kanya ng "Ate" kapag nasa pampublikong lugar sila. Pero kapag daw nasa bahay ay "Mama" ang tawag nito sa kanya.

"Ngayon po kinausap ko na po siya sabi ko 'okay na tawagin mo akong mommy. Okay na tayo,'" sabi ni AJ.

Sa lahat ng pinagdaanan niyang hirap at sakripisyo, ang nais niyang matutunan ng mga anak ay, "Yung ituturo ko po sa kanila ay 'yung maging malaya sila at huwag magpapaapekto sa kahit kanino."

Nauna rito, naisulat na namin dito sa BANDERA ang ilang bahagi ng panayam ni Toni kay AJ tulad ng kung nila kailangang itago ni Aljur ang kanilang relasyon at mga anak.

"Siyempre maingay po nu'ng time na yun dahil po sa mga issue. Siyempre ayaw po namin madamay yung mga bata," sagot ni AJ.

Nanindigan ang aktres na wala silang tinapakan o sinaktan ni Aljur nang maging sila, "Nag-start po kami ni Aljur malinis po talaga."

"Wala na siya doon sa dati niyang relationship?" sundot na tanong ni Toni. "Wala na po," ani AJ.

"Kasi ang dating sa mga tao may overlap sa relationship, may third party, naging cause ng hiwalayan," reaksyon uli ni Toni.

"Pero hindi po. Hindi po talaga," sey naman ng partner ni Aljur.

Reaksyon ni Toni, "So para sa kaalaman ng lahat na may misconception, may judgement at may assumption sa relationship niyo. When you and Aljur got together, Aljur was already separated."

"Separated na po talaga sila that time," sagot ni AJ. Sey naman uli ni Toni, "Na hindi alam yan ng tao. Cause this is the chapter na hindi alam ng mga tao dahil ang iniisip ng mga tao. 

"Ang naiwan sa kanila ay yung Aljur with the previous relationship. Kaya kapag may bagong babae sa picture nasa kanya na lahat ng blame," sey pa ng TV host-actress.

Next question ni Toni, "Paano mo hinandle yun?"

Ani AJ, "Sa part naman na yun Ms. Toni alam kong wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako. Alam ng Diyos na hindi ako. Wala akong kasalanan."

The post AJ Raval hindi nagpapa-check up kahit buntis: Ginagamot ko sarili ko appeared first on Bandera.


AJ Raval hindi nagpapa-check up kahit buntis: Ginagamot ko sarili ko AJ Raval hindi nagpapa-check up kahit buntis: Ginagamot ko sarili ko Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close