BREAKING NEWS

Rufa Mae naisipang mag-quit sa YFSF: Parang hindi ko na kayang ituloy 

Rufa Mae naisipang mag-quit sa YFSF: Parang hindi ko na kayang ituloy 
Rufa Mae Quinto

TUWANG-TUWA si Rufa Mae Quinto dahil sa wakas ay nakamit na rin niya ang unang pagkapanalo sa bagong season ng "Your Face Sounds Familiar."

Si Rufa Mae ang itinanghal na winner sa 9th week ng reality talent competition ng ABS-CBN nitong nagdaang weekend kung saan ginaya niya ang American singer-songwriter Fergie. 

Kinanta ng iconic comedienne ang classic hit ni Fergie na "Big Girls Don't Cry" na umani nga ng papuri at standing ovation mula sa mga judge pati na rin sa kanyang mga kapwa celebrity performers. 

"Nakita nila na ang galing mo ring kumanta, may quality ang voice mo kapag nagseryoso ka. At sabi mo may pakiramdam ka pala. Sinasabi ko sa iyo naramdaman ka namin," ang komento ng guest judge na si Karla Estrada.

Sey naman ng isa pang guest judge at mentor na si Klarisse de Guzman, "Alam mo sanay na sanay kami na ikaw ang nagpapasaya sa amin. 

"Pero ang nakita ko ngayon puso, emosyon naramdaman ko. Ang galing-galing committed ka talaga seryoso hindi ka na-distract," aniya pa.

Comment naman ng huradong si Gary Valenciano, "Kaya napatayo ako kasi na-surprise ako na mayroon pala tulad nang sinabi ni Klarisse kanina kapag sineryoso mo at binanggit din ni Karla na kapag sineryoso mo ay mayroon kang maibubuga na kakaiba sa dati mong ginagawa na mas lalo pang mai-impress ang tao. 

"Tatawa na nga sila, papalakpak pa sila at katulad namin tumayo pa kaming lahat. Congrats!" sey pa ni Mr. Pure Energy.

Reaksyon naman ni Rufa Mae na nag-uwi ng plake at P50,000, "Alam mo kuntento na ako kahit isang beses lang. Thank you mga Ka-Familiars!"

Bago pa siya itinanghal na winner, naging emosyonal na ang aktres pagkatapos ng kanyang performance.

"Ito 'yung show na hindi pa ako namamatayan noong tinanggap ko ito. Sabi ko, 'gusto ko kasi yung energy nilla.' Hindi ko namalayan na tatlong buwan na nawalan ako ng asawa. 

"Tapos ang daming blessings na dumating sa akin dahil sa show. Tapos sabi ko parang hindi ko na kayang ituloy kasi ang daming nangyayari sa akin. 

"Pero sabi ko paano ko iiwan sila, eh ang bubuting tao ng mga ito. So dito lang po sa 'Your Face' naramdaman ko from the audience, kayong lahat, sa director, from the EP to ABS-CBN. 

"At ngayon lang din kasi ako nag-show ng regular sa ABS-CBN. At saka hindi ko po in-expect na tatagal ako. Kahit hindi pa ako nanalo, basta panalo na ako sa pakiramdam dahil sa inyo," sabi pa ng aktres na namatayan ng asawa last year.

Samantala, sa susunod na weekend, gagayahin naman ni Rufa Mae ang OPM rock icon na si Kitchie Nadal, magta-transform si Jarlo Base as "Your Face Sounds Familiar" host Vhong Navarro, Dia Mate as Gwen Stefani, BGYO Akira Morishita as Ricky Martin. 

Si Jason Dy ay magiging si Cardi B, Tawag ng Tanghalan Duets champion JM and Marielle as Christina Aguilera and Sabrina Carpenter, habang si Alexa Ilacad ay gagayahin si Avril Lavigne.

The post Rufa Mae naisipang mag-quit sa YFSF: Parang hindi ko na kayang ituloy  appeared first on Bandera.


Rufa Mae naisipang mag-quit sa YFSF: Parang hindi ko na kayang ituloy  Rufa Mae naisipang mag-quit sa YFSF: Parang hindi ko na kayang ituloy  Reviewed by pinoyako on February 02, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close