BREAKING NEWS

Gab Cabangon nagpaalala ng pahinga, nag-share ng love sa ‘Kama’

Gab Cabangon nagpaalala ng pahinga, nag-share ng love sa 'Kama'
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

PARANG may instant stress-relief ang bagong kanta ni Gab Cabangon

Ang singer-songwriter ay nagbalik sa OPM scene gamit ang kanyang bagong single na "Kama," isang soulful guitar-pop track na tungkol sa paghahanap ng pahinga at comfort sa piling ng minamahal pagkatapos ng nakakapagod na araw sa trabaho.

Sa exclusive interview ng BANDERA, ibinahagi ni Gab kung paano niya naisip ang kanta.

"So the new single is called 'Kama,' it's really a love song about 'yung paghanap ng iyong pahinga…na you can afford to rest and take time to recharge with somebody you love. Tapos I guess since it's a love song about finding rest, it's also a song na dedicated sa wife ko as well," chika niya.

Baka Bet Mo: Khalil, Gabbi 'destined' sa love trilogy ng Ben&Ben: 'Sumasakto in real life!'

Ang bagong single ay hindi lang basta love song dahil para kay Gab, ito rin ay mensahe sa millennials na, ayon sa kanya, "tired generation" dahil sa hectic na buhay.

"It's just a reminder na it's okay to be kind to yourself na magpahinga ka…kasi it helps you think better the next morning. It seems like a tomorrow problem," wika ng singer-songwriter.

<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/_jS_ncj_7nk?si=nrdGVkHEBKws_FqD" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

At bakit nga ba "Kama" ang napiling pamagat ng nasabing kanta?

"Kasi kapag pahinga talaga, the first thing to mind for me is 'yung kama mismo…Usually, 'di ba after a long day, ang excited sa kama ka pupunta. Magne-Netflix and chill ka lang sa kama ka hihiga, ganun," masaya niyang ipinaliwanag sa amin.

Nabanggit din ni Gab na ang kanta ay para rin sa lahat ng nakikinig: "I hope na when they hear the song, they'll be kind for themselves to find rest…not to forget to spend intimate moments with somebody you love."

Bukod sa single, may inihandang mini bar tour si Gab sa Metro Manila simula sa Biyernes, February 13, bago ang Valentine's Day. 

At abangan daw, marami pang kanta ang paparating sa 2026!

"This is not the only song that I'm releasing for 2026…people can expect more music from me," pagbubunyag niya.

Sa press release, inilarawan ang kanta bilang isang comforting love song na nagre-reflect din sa modern workforce culture: sa mundo kung saan laging hinahabol ang productivity.

Ang "Kama" ay paalala na ang pahinga ay hindi reward, kundi kailangan para sa well-being.

The post Gab Cabangon nagpaalala ng pahinga, nag-share ng love sa 'Kama' appeared first on Bandera.


Gab Cabangon nagpaalala ng pahinga, nag-share ng love sa ‘Kama’ Gab Cabangon nagpaalala ng pahinga, nag-share ng love sa ‘Kama’ Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close