BREAKING NEWS

Andres Muhlach never pang nagkadyowa: That’s my choice naman

Andres Muhlach never pang nagkadyowa: That's my choice naman

CERTIFIED "NGSB" o "no girlfriend since birth" ang binatang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Andres Muhlach.

Yes! Diretsahang inamin ng Viva Artists Agency (VAA) talent na wala pa siyang naging dyowa ever at nananatiling single until now.

Sa panayam ng "Fast Talk With Boy Abunda", sinabi ni Andres na personal na desisyon niya ang huwag munang pumasok sa isang seryosong relasyon.

Tanong sa kanya ng King of Talk na si Tito Boy kung nagkaroon na na siya ng girlfriend.

Baka Bet Mo: Andres Muhlach ibinuking ni Ashtine Olviga, madalas manlibre sa katrabaho

"Hindi pa, Tito Boy. That's my choice naman," sagot ng binata.

Esplika ni Andres, naging busy daw siya nitong mga nakalipas na taon dahil nagsunud-sunod na nga ang kanyang projects and other commitments.

Sunod na tanong ni Tito Boy kung nasubukan na ba niyang manligaw, sagot ni Andres, "In the past, I have naman. I can't lie and say that I have not."

Taong 2024 nang magdesisyon ang kakambal ni Atasha Muhlach na pasukin na rin ang showbiz at sundan ang mga yapak ng kanyang celebrity parents.

The post Andres Muhlach never pang nagkadyowa: That's my choice naman appeared first on Bandera.


Andres Muhlach never pang nagkadyowa: That’s my choice naman Andres Muhlach never pang nagkadyowa: That’s my choice naman Reviewed by pinoyako on February 04, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close