BREAKING NEWS

Bayawak sa opisina aprubado raw ng TV executive, alagang hayop ba o espiya?

Alagang bayawak sa opisina ng isang TV network, aprubado ng executive?

BUHAY pa kaya 'yung alagang Bayawak na nasa opisina ng Transmitter ng isang TV network?

"Monitor Lizard" ang tawag sa English at baka naman ito ang taga-monitor ng mga nangyayari sa network?

Anyway, bigla lang naming naalala dahil nu'ng nakaraang taon ay may nakakita sa bayawak na nakatali sa loob ng opisina ng transmitter at alam daw ito ng TV executive kaya walang magawa ang mga empleyado roon, sana lang daw ay hindi makawala.

 Ipinagtataka ng lahat ay bakit may "say" si TV executive na bigyan ng basbas ang engineer na nag-aalaga ng bayawak sa loob, gayung magkaibang opisina ito.

Baka Bet Mo: Anne Curtis sa 'power couple' blind item: 'Learn the art of dedma!'

"Tsika kasi ni (TV executive) 'yung engineer na may alaga ng bayawak [ay] tao niya 'yun kaya aprub sa kanya," esplika ng nasa pinakatuktok ng transmitter.

Ang running joke nga raw, "Kung may bayawak sa bayan, may dragon, halimaw, penguin sa labas ng bayan."

'Di ba ipinagbabawal ang pag-aalaga ng bayawak o aprubado kaya ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)?

Samantala, nai-tsika pa sa amin na, "Naku, balik sa dating gawi, nakabuntot na naman sa OIC at laging may binubulong-bulong kapag may meeting, 'di ba unethical 'yun?

"At heto, matatahimik ang opisina for a week dahil pupunta siya ng Amerika for business trip daw kasama si (OIC). Hindi naman siya kailangan doon. Dati nga nu'ng hindi pa umaalis 'yung isa pang executive wala silang ginawa kundi mag-shopping nang mag-shopping."

Sabi namin na as long as own money nila ang pinapang-shopping, wala namang isyu ro'n.'

The post Bayawak sa opisina aprubado raw ng TV executive, alagang hayop ba o espiya? appeared first on Bandera.


Bayawak sa opisina aprubado raw ng TV executive, alagang hayop ba o espiya? Bayawak sa opisina aprubado raw ng TV executive, alagang hayop ba o espiya? Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close