BREAKING NEWS

4 patay matapos hagupitin ni ‘Basyang’ ang Visayas, Mindanao

4 patay matapos hagupitin ni 'Basyang' ang Visayas, Mindanao

APAT na miyembro ng isang pamilya ang nasawi matapos matabunan ng landslide ang kanilang bahay sa Barangay Agusan, habang patuloy na nananalasa ang bagyong Basyang sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) at lokal na disaster response officials nitong Biyernes February 6, bandang alas-10:30 ng gabi noong Huwebes nang mangyari ang trahedya sa Zone 1 Sambulawan, matapos ang ilang oras ng walang tigil na pag-ulan. 

Dahil daw sa lakas ng buhos ng ulan, gumuho ang lupa at tuluyang ibinaon sa ilalim ang isang bahay.

Kabilang sa mga nasawi sina Paul Lariosa, 47, at ang kanyang asawa na si Ruffah, 35. 

Baka Bet Mo: PAGASA ibinandera na ang mga pangalan ng bagyo sa 2026

Dalawa pa nilang batang kamag-anak, isang 12-anyos na bata at isang 11-buwang sanggol, ang hindi rin nakaligtas, ayon sa hepe ng  City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na si Nick Joaquin Jabagat.

Bukod sa landslide, nagdulot din ang bagyo ng matinding pagbaha sa mga rehiyon ng Caraga at Northern Mindanao. 

Mahigit 15,000 pamilya ang napilitang lumikas at pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center para sa kanilang kaligtasan.

Nag-landfall ang bagyo sa Surigao del Sur noong Huwebes ng gabi, February 5, at humina bilang tropical depression habang nasa ibabaw ng Bohol nitong Biyernes, February 6.

Gayunman, patuloy pa rin itong nagdadala ng malalakas na ulan, malakas na hangin, at delikadong kondisyon, ayon sa mga opisyal ng disaster response.

Ayon sa PAGASA, inaasahang muling magla-landfall si Basyang sa katimugang bahagi ng Cebu at Negros Oriental anumang oras bago tumawid sa Panay Island.

Nagbabala rin ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang tuloy-tuloy na pag-ulan ay maaaring magdulot ng mapanganib na lahar flows, rumaragasang putik at debris sa mga ilog, at pagbaha sa paligid ng Kanlaon Volcano, na nananatili sa alert level 2 (moderate level of volcanic unrest).

Sa Bohol, halos 3,947 pamilya o 11,226 katao ang inilikas, bagama't wala pang naiuulat na malaking pinsala.

Bilang pag-iingat, itinigil ang biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang lalawigan gaya ng Iloilo, Southern Leyte, Masbate, at southern Occidental Mindoro, at piling biyahe lamang ang pinayagan.

Samantala, sinabi ng Philippine Coast Guard na base sa kanilang monitoring nitong Biyernes, February 6, mahigit 5,000 pasahero ang na-stranded sa 98 pantalan sa buong bansa dahil sa masungit na lagay ng karagatan.

The post 4 patay matapos hagupitin ni 'Basyang' ang Visayas, Mindanao appeared first on Bandera.


4 patay matapos hagupitin ni ‘Basyang’ ang Visayas, Mindanao 4 patay matapos hagupitin ni ‘Basyang’ ang Visayas, Mindanao Reviewed by pinoyako on February 06, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close