7 bida ng ‘I’m Perfect’ pumirma na ng kontrara sa Nathan Studios

PORMAL nang pumirma ng kontrata ang pitong bida ng pelikulang "I'm Perfect" sa Nathan Studios Artist Management kahapon, February 3.
Kasama rin sa contract signing si Ice Almeria, ang unang champion ng reality show na "Time To Dance" na napanood sa ABS-CBN noong 2025.
Ayon sa Nathan Studios producer na si Sylvia Sanchez, tatlong taon ang kontrata ng mga batang may Down Syndrome sa pangunguna nina Krystel Go, Earl, Amaba, Carl Garcia, Angela Batallones, Bea Mendoza, Javi Sarmiento, Royce Rivera at Gio Dicen.
Nakakatuwa ang mga kids with DS dahil sila mismo ang pumirma sa kanilang mga kontrata kasama ang kanilang magulang at talagang doon pa lang nagpirmahan hindi tulad ng ibang nadaluhan naming contract signing na for pictorial purposes na lang dahil tapos na.
Anyway, labis ang pagpapasalamat ng bawa't magulang ng "I'm Perfect" cast dahil ang pangarap lang nilang sana mapanood ang kani-kanilang mga anak o magkaroon ng endorsement at makilala ay tinupad ng Nathan Studios.
Sa kasalukuyan ay gagawa ng comedy series ang "I'm Perfect" cast at si Direk Sigrid Andrea Bernardo uli ang direktor at siya rin ang susulat ng script.
Samantala, nagpasalamat din si Sylvia dahil ipinagkatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa Nathan Studios. Narito ang kanyang buong mensahe.
"Magandang araw sa ating lahat. First and foremost, thank you all for being with us today. Today is a very special day for Nathan Studios and, more importantly, for our artists. Hindi lang ito contract signing ito ay simula ng isang pangarap na sabay-sabay nating binubuo.
"Sa Nathan Studios, naniniwala kami na ang talento ay walang limitasyon. Hindi ito nasusukat sa labels, kundi sa puso, sipag, at tapang na ipakita ang sarili sa mundo.
"These artists, our angels, our persons with down syndrome, are full of raw skills, creativity, at isang klase ng authenticity na bihirang-bihira. Totoo, buo, at galing mismo sa puso.
"Bago pa man magsimula ang pelikulang I'M PERFECT, nakikitaan na namin kayo ng potensyal. We believed in you even before the cameras rolled—before the lights, before the applause.
"And recently, that belief was proven true when you made history at the Metro Manila Film Festival: Best Picture, Best Actress for Krystel Go, and Best Cast Ensemble. Isang napakalaking tagumpay—hindi lang para sa pelikula, kundi para sa bawat pangarap na pinanghawakan ninyo. We see your potential. We see your hard work. And most of all, we believe in you.
"Hindi lang bilang artists, kundi bilang individuals na may boses, kwento, at liwanag na kayang magbukas ng isip at puso ng marami.
"Maliban sa aming artists sa I'm Perfect, Ito rin ay contract signing ng Nanalo sa aming dance competition na Time To Dance sa ABS-CBN na si Ice.
"Although we are primarily a production company, itong contract signing namin ay paraan namin para ma-honor ang artists namin to watch them grow from one project to the next — sa showbiz man o sa labas nito.
"Hindi namin ipapangako ang langit at lupa. Pero isang bagay ang sigurado…gagawin namin ang lahat ng aming makakaya para samahan kayo, gabayan kayo, at tulungan kayong maabot ang inyong mga pangarap.
"Ang kontratang ito ay simbolo ng tiwala—tiwala namin sa inyo, at tiwala ninyo sa amin. At sa puntong ito, nais din naming magpasalamat sa mga magulang—salamat sa walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal na siyang pundasyon ng lakas ng mga batang ito.
"Welcome to Nathan Studios. This is just the beginning and we are so, so proud to be on this journey with you."
The post 7 bida ng 'I'm Perfect' pumirma na ng kontrara sa Nathan Studios appeared first on Bandera.

No comments: