Mag-asawang Curlee, Sarah Discaya sasampahan ng tax evasion case

DALAWANG kasong tax evasion ang isasampa ng Department of Justice (DOJ) sa Court of Tax Appeals (CTA) laban sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Prosecutor General ang mga kaso ay base sa inihain na reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Diumano nilabag ng mag-asawang kontraktor ang National Internal Revenue Code nang ilihim ang kanilang tunay na kinita noong 2020 at 2021 sa pag-aari nilang St. Gerrard Construction General Contractor and Development at Fine Things Fashion Wear House.
Samantala, ibinasura na ng DOJ ang tatlong reklamo ng BIR laban sa mag-asawang Discaya kaugnay sa pagbili ng mga mamahaling sasakyan.
Gayundin, ibinasura na rin ang reklamo ng BIR na indi pagbabayad ng excise taxes laban kay Curlee Discaya at sa St. Gerrard Construction.
Nasa kustodiya ng NBI si Sarah Discaya, samantalang nasa Senate detention facility naman ang kanyang mister.
The post Mag-asawang Curlee, Sarah Discaya sasampahan ng tax evasion case appeared first on Bandera.

No comments: