Travel tax na pabigat sa mga Pinoy pinatatanggal na ni Sandro Marcos

HINILING ni House Majority Leader Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang agad na pagpapatigil sa paniningil ng travel tax sa katwiran na pabigat pa ito sa mga Pilipino.
Ikinatwiran din ni Marcos sa inihain niyang House Bill 7443 na layon din niya niya na panindigan ang karapatan ng bawat ng Pilipino na maka-biyahe.
Naniniwala din ang mambabatas na mapapalakas ng kanyang panukala ang ekonomiya kapag ito ay ganap ng batas.
Binanggit ni Marcos na ngayon nagbabayad ng P1,620 travel tax ang economy passengers at P2,700 naman sa first-class passengers.
Aniya kung apat na miyembro ng pamilya ang bibiyahe, magbabayad sila ng kabuuang P6,480 na malaking halaga na para sa iba nilang pangangailangan.
Aminado ang mambabatas na kumikita ang gobyerno sa paniningil ng travel tax ngunit ito rin ang isa sa mga dahilan kayat nagdadalawang-isip ang Pilipino na bumiyahe.
Naniniwala si Marcos na kapag naalis ang travel tax sisigla ang pagbiyahe sa loob at labas ng bansa na magreresulta sa pagsigla ng industriya ng turismo at marami sa ating mga kababayan ang magkakaroon ng pagkakakitaan.
The post Travel tax na pabigat sa mga Pinoy pinatatanggal na ni Sandro Marcos appeared first on Bandera.

No comments: