Viva Hot Babes plano ring mag-reunion concert, wish maka-collab ang SexBomb

SUPER fan din ng SexBomb Girls si Andrea del Rosario kaya wish niyang magkaroon din ng reunion concert ang dati niyang grupo na Viva Hot Babes.
Napag-usapan ang ilang gabing sold out dance concert ng SexBomb Dancers sa guesting ni Andrea sa "Fast Talk With Boy Abunda" at dito nga ibinandera ni Andrea ang sobrang paghanga sa grupo ni Rochelle Pangilinan.
"I'm a fan. I'm a big fan too. You may not believe it. But I'm a big fan too," ang sey ni Andrea.
Naibahagi rin ng aktres na may mga nakausap siyang fans ng SexBomb sa isang mall na nakapila para bumili ticket sa concert ng grupo. May ilang nagtanong sa kanya kung kailan naman daw ang reunion show ng Viva Hot Babes.
"Nandoon ako sa mall. Tapos may maraming nakapilang tao for their show. Na-recognize nila ako. Then 'yung fans tinanong ako ng, 'ma'am kailan po kayo?'
"Pinaplano namin pero nag-iisip pa kami ng gimmick, guys, 'cause we are not dancers. We acknowledge kasi that we are not very good dancers like them. We are actresses, models brought together," sey ni Andrea.
Sana raw ay mabigyan siya ng chance at ang iba pang dating miyembro ng Viva Hot Babes na makakapag-reunion concert at sana raw, maka-collab din nila ang Sexbomb Girls.
"Of course, we'd love to. We've been doing a lot of out-of-town shows with the Hot Babes naman. It's just that siyempre 'yung iba naging public service. Like ako, soap operas.
"Now we just have to sit down one of these days. Hopefully one of these days. Hopefully we can do one with Sexbomb 'cause I'm a fan," chika pa ni Andrea.
Nagsimulang makilala ang Viva Hot Babes noong 2000s na binubuo nina Andrea, Maui Taylor, Gwen Garci, Katya Santos, Sheree Bautista, at iba pa. Ilan sa mga hit songs nila ay "Bulaklak", "Basketball", at "Kikay."
The post Viva Hot Babes plano ring mag-reunion concert, wish maka-collab ang SexBomb appeared first on Bandera.

No comments: