BREAKING NEWS

Rufa Mae Quinto inalala 10th anniv nila ni Trevor: Salamat for giving me Athena!

Rufa Mae Quinto inalala 10th anniv nila ni Trevor: Salamat for giving me Athena!
Trevor Magallanes, Rufa Mae Quinto at Athena Magallanes

INALALA ni Rufa Mae Quinto ang yumaong asawang si Trevor Magallanes sa ika-10 anibersaryo nila bilang magkarelasyon ngayong January, 2026.

Ibinahagi ni Rufa Mae sa kanyang Instagram account ang kanyang madamdaming mensahe para kay Trevor kung saan binalikan niya kung gaano kabilis ang pangyayari sa kanilang love story.

Nagpasalamat din ang komedyana sa pumanaw na asawa dahil sa pagdating sa buhay nila ng nag-iisang anak na si Athena.

"Ang mga larawang ito ay ang memories kung Paano ko po pinanganak, at inalagaan si Athena, hands on and Wala po kami yaya, kami lang mag asawa ang nag Alaga, nagpalaki, hands on parents kami," ang simulang sey ni Rufa Mae sa caption ng kanyang IG post.

Ito raw ang dahilan kung bakit medyo nahirapan siyang mag-adjust nang magdesisyon siyang bumalik sa mundo ng showbiz 

"Kaya Naninibago pa ako mag – artista ng Todo ulit, naging ordinary person lang ako sa America pinaka maganda at masaya na naganap sa buhay ko, maging Ina.

"Salamat sa panghabang buhay na Ikaw, Trev! Mula sa tummy ko siya inalagaan ko ng mabuti dala na din ng sobrang pagmamahal natin," chika pa ni Rufa Mae.

Kasunod nito, ikinuwento nga ng "Your Face Sounds Familiar" celebrity contestant kung gaano kabilis ang kanilang pagpapakasal 10 years ago.

"Happy anniversary! Naging kami po January 9, 2016 bago ako umuwi sa (Pinas) pero bumalik din ako ng ng January 13, 2016 sa America para magpakasal at di na po kami naghiwalay mula noon.

"3 days lang ako sa Pinas bumalik na ako sa  (San Francisco) agad at magpakasal! Ganoon Kadali, kagaan at bilis sa amin ang Lahat," lahad ni Rufa Mae.

Pagpapatuloy pa niya, "Salamat for giving me Athena, kitang kita ko ang Lahat ng Ikaw sa kanyang mga mata, ugali, tawa, mukha, smile, magsalita, kamay, Boses, kuko, lahat na.

"We miss you physically, pero alam namin kasama ka namin parati. Andyan lang watching our daughter.

"Patuloy mo akong alalayan sa mga pangarap natin para kay Athena , Paano palakihin sya ng Masaya, mabait, matalino, cute, funny, healthy, wealthy way to go go go! 

"Magandang umaga, happy new year, happy 3 kings , happy Chinese new year, happy Valentine's Day, advance happy birthday!" mensahe pa ni Rufa Mae.

Noong 2024, ibinahagi ni Trevor sa isang Instagram Story na maghihiwalay na sila ni Rufa Mae pero ayon sa aktres, never silang nag-divorce ng asawa.

Namatay si Trevor noong July, 2025 kasabay ng pakiusap ni Rufa Mae na bigyan sila ng privacy sa pagluluksa. Lumipad sila ng anak na si Athena pabalik ng Amerika para asikasuhin ang wake ni Trevor.

 September, 2025 nang bumalik sa Pinas sina Rufa Mae at Athena. Dito na siya nagdesisyon na magtrabaho uli.

"Kaya po ako nagshoshow ngayon para mabitbit ko ang kaligayahan kaysa sa kalungkutan. Pero hindi po ibig sabihin na sumali ako, kaya nga po ako sumali gusto ko po talagang ilabas lahat ng nararamdaman ko. 

"Alam mo yung sa sobrang heavy gusto mo na lang mag-perform. Kaya sana naman makapag-perform ako.

"Kailangan kong sumaya kasi hindi puwedeng mas haggard pa ako, para na rin sa anak ko, di ba? Kailangan niya ako eh, so kailangan maging masaya ako, panalo at award winning ganoon. Thank you to myself," aniya pa.

The post Rufa Mae Quinto inalala 10th anniv nila ni Trevor: Salamat for giving me Athena! appeared first on Bandera.


Rufa Mae Quinto inalala 10th anniv nila ni Trevor: Salamat for giving me Athena! Rufa Mae Quinto inalala 10th anniv nila ni Trevor: Salamat for giving me Athena! Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close