BREAKING NEWS

Vice Ganda sinita ilang guest stars sa Showtime: ‘Tamad na tamad, maarte pa!’

Vice Ganda sinita ilang guest stars sa Showtime: 'Tamad na tamad, maarte pa!'
PHOTO: Facebook/Vice Ganda

TILA nagkaroon ng pa-"energy check" ang TV host-comedian na si Vice Ganda pagdating sa mga guest celebrities ng noontime show na "It's Showtime."

Ayon kasi sa kanya, dapat maging masigla kapag umeere na sa show, lalo na kung may ipo-promote.

Sa January 21 episode ng nasabing programa, nag-guest ang Kapuso actresses na sina Beauty Gonzalez at Kris Bernal para i-promote ang kanilang drama series na "House of Lies."

Dito, pinuri ni Vice ang dalawa sa pagiging aktibo sa mga laro at dance segments ng noontime show.

Baka Bet Mo: Vice Ganda bet bilhin ang ABS-CBN pero…

"Sa lahat ng artistang nakilaro dito, si Kris at Beauty talaga ang super dance, ini-enjoy nila talaga," pagmamalaki ni Vice.

Pero syempre, hindi nakaligtas ang iba sa kanyang "honest review."

Inihambing niya ang energy ng dalawa sa iba pang guest stars na, ayon sa kanya, tila mahiyain o tamad, kaya't tinawag niyang "maarte."

"Yung iba kasi nahihiya! Nagpo-promote tapos nahihiya? Ano kaya 'yun? Maraming pumupunta dito, makiki-promote na nga lang, maarte pa!" reklamo niya.

"Sila (Kris at Beauty), 'yung laban na laban. Kapag magpo-promote, energy! Yung iba tamad na tamad," dagdag pa niya.

Nagtanong naman ang kanyang co-host na si Jhong Hilario kung sino specifically ang tinutukoy na artista, pero hindi ito sinagot ni Vice at nagbiro na mula daw sa ibang network.

Dahil sa nangyari, agad itong naging usap-usapan sa social media at nagbigay-daan sa netizens na mag-speculate kung sino ang guest stars na tinutukoy ng komedyante.

Samantala, kamakailan lang ay nag-viral din si Vice Ganda matapos magbiro na muling magbabalik sa ere ang kanyang late-night talk show na "Gandang Gabi, Vice" (GGV).

Nabanggit din ng niya na interesado siyang bilhin ang ABS-CBN, na nawalan ng broadcast franchise noong 2020, matapos siyang tanungin sa isang hypothetical question.

The post Vice Ganda sinita ilang guest stars sa Showtime: 'Tamad na tamad, maarte pa!' appeared first on Bandera.


Vice Ganda sinita ilang guest stars sa Showtime: ‘Tamad na tamad, maarte pa!’ Vice Ganda sinita ilang guest stars sa Showtime: ‘Tamad na tamad, maarte pa!’ Reviewed by pinoyako on January 23, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close