BREAKING NEWS

Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt!

Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt!
Sean Raval, Aljur Abrenica, AJ Raval at Jeric Raval

TODO depensa ang young actor na si Sean Raval sa ate niyang si AJ Raval laban sa mga bashers na patuloy na nangnenega sa dating Vivamax Queen.

Nagbabalik-showbiz si Sean matapos mag-concentrate sa kanyang pag-aaral. Isa siya sa mga talent ngayon ng controversial celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio.

Napanood ang binata noon sa Kapamilya series na "Since I Found You" na pinagbidahan nina Piolo Pascual, JC de Vera at Arci Muñoz.

Nakachikahan ng BANDERA ang anak ng action star na si Jeric Raval sa naganap na mediacon ng pelikulang "Spring in Prague" under Borracho Film Production na pag-aari ni Atty. Topacio.

Isa sa mga naitanong kay Sean ay ang tungkol sa mga kontrobersyang kinasangkutan ni AJ pati na ng current partner nitong si Aljur Abrenica.

"Alam ko po 'yung truth. Kapag binabasa ko po 'yung mga comment, ang layo po sa katotohanan. Sinisiraan po nila 'yung tao. Sa social media po, one-sided. Some people are judgmental. Nakaka-hurt," simulang pahayag ni Sean.

Aniya pa, "May personal issues na hindi niya shini-share sa amin pero super strong niya na kapatid. Relentless sa mga nagiging issue po sa kanya, mga sinasabi po ng tao. Pero, siyempre nasasaktan po ako," sabi pa ng 22-anyos na binata.

Nag-react din siya sa pag-amin recently ni AJ na lima na ang kanyang anak, "As a brother of AJ, mas naging proud po ako kasi wala na po siyang kailangang itago. Confident na po siyang lumabas without hiding 'yung mga anak."

"As a sister, she's really fun to be with. Sa isang roof, walang showbiz-showbiz. We're just having fun. Wala po kaming pinag-uusapang mga issue," dagdag pa niya.

Samantala, gustung-gusto raw talagang mag-artista ni Sean tulad din ng kanyang ama, pero mas gusto niyang makagawa ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz.

"At the age of 6, nag-aartista na po ako. I'm really grateful. This is my passion. This is something I wanted. It's in the blood. It's in my heart," sey ni Sean.

Isa raw sa natatandaan niyang advice sa kanya ni Jeric sa pagpasok niya sa showbiz, "Always be kind. Respect everyone. Do your best. Be yourself."

Pinuri rin niya si Jeric bilang ama, "Equal po 'yung turing niya sa amin. Walang favorite. Sa TV, matikas, maangas, at mayabang siya at magaling na aktor. Pero sa bahay, isa siyang caring and loving father."

Anyway, showing na ang "Spring in Prague" sa mga sinehan simula sa February 4. Ito'y pinagbibidahan nina Paolo Gumabao at Sara Sandeva, mula sa direksyon ni Lester Dimaranan and produced by Ferdie Topacio.

The post Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt! appeared first on Bandera.


Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt! Utol ni AJ Raval umaray sa bashers: Ang daming judgmental, nakaka-hurt! Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close