BREAKING NEWS

Bugoy Cariño sa pamba-bash kay EJ Laure: Mas nakikilala ka na! 

Bugoy Cariño sa pamba-bash kay EJ Laure: Mas nakikilala ka na! 
EJ Laure at Bugoy Cariño

SANAY na sanay na ang dating child star na si Bugoy Cariño sa pambebengga sa kanya sa social media dahil manhid na raw siya sa bashers. 

Bata pa lang daw ay nakararanas na siya ng pamba-bash dahil nga sa murang edad ay nasa mundo na siya ng showbiz kaya hindi na ito bago sa kanya.

Mas lalo raw tumindi ang pangnenega sa kanya ng netizens noong aminin niyang nabuntis at nagkaanak sila ng volleyball player na si EJ Laure. Mas matanda si EJ ng ilang taon kay Bugoy.

Naging tatay daw siya sa edad na 16 na nu'ng una ay pinagsisihan niya pero nagbago raw ang pagtingin niya sa sitwasyon nang ma-realize niyang "gift from God" ang anak nilang si Scarlet.

Kaya naman ang palagi niyang advice sa kanyang asawang si EJ pagdating sa bashers ay dedmahin na lang ang mga ito dahil talagang hindi nila mapi-please ang lahat ng tao.

"Ako naman po kasi, simula noong bata, parang given na yung basher na ganyan.

"Ang pinaka-focus ko noon ay yung wife ko kasi hindi naman siya sanay sa mga sinasabi ng mga tao. Kasi, nasa volleyball world siya, tayo nasa showbiz world, e.

"Yung mga tao, kung anu-ano ang mga sinasabi, so parang nasanay na po ako. Ginuide ko po talaga yung wife ko para malagpasan niya po yung mga sinasabi," ani Bugoy sa isang panayam.

Saad pa ng aktor, "Ang laging paalala sa kanya, huwag na huwag niyang papansinin talaga (ang hate comments online). Kumbaga, yung mga yan, nag-comment lang yan. Pero 'pag nakita tayo na, magpapa-picture pa rin talaga.

"Yung mga gano'n naman po kasi, lagi kong pinapaalala sa kanya, kapag may basher na ibig sabihin, mas nakikilala ka na. Yung pangalan mo, tumatatak na rin sa mga tao. At saka hindi ka nila makakalimutan," ang punto pa ni Bugoy.

Samantala, kasama si Bugoy sa pelikulang "Breaking the Silence" na idinirek ni Errol Ropero at ipinrodyus ng Gummy Entertainment Production na tumatalakay sa mental health issues.

The post Bugoy Cariño sa pamba-bash kay EJ Laure: Mas nakikilala ka na!  appeared first on Bandera.


Bugoy Cariño sa pamba-bash kay EJ Laure: Mas nakikilala ka na!  Bugoy Cariño sa pamba-bash kay EJ Laure: Mas nakikilala ka na!  Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close