BREAKING NEWS

SexBomb Jopay nabagsakan ng tiles sa ulo at likod habang nasa CR 

SexBomb Jopay nabagsakan ng tiles sa ulo at likod habang nasa loob ng CR 
Joshua Zamora at Jopay Paguia

NABAGSAKAN ng tiles mula sa kisame ng banyo ang ulo at likod ng original member ng SexBomb Girls na si Jopay Paguia.

Ito ang dahilan kung bakit isinugod sa ospital ang actress-dancer recently at ang findings ng mga doktor, nagkaroon siya ng "concussion."

Ayon sa isang health website, ang "concussion" ay isang, "mild traumatic brain injury that affects brain function. Usually, it is caused by an impact to the head or body that is associated with a change in brain function."

Sa kanyang Facebook page, nag-post si Jopay ng litrato ng patient identification band na kuha sa loob ng ospital kung saan siya na-confine.

Ang nakalagay sa caption, "Laban walang babawi…

"Jopay kumusta ka na… 

"May Rawnd 5 pa… 

"Get Get aw… #concussion." 

Kasunod nito, nag-explain nga ang OG SexBomb member kung ano talaga ang nangyari sa kanya. Nabagsakan nga raw siya ng bathroom tiles sa ulo at likod.

"Maraming salamat po sa lahat ng nag-alala at patuloy na nagdadasal.

"Na-hospital ako matapos mabagsakan ng tiles ng CR ang ulo at likod ko kaya kinailangan magpa-CT scan at MRI. 

"Hindi pa tapos ang check-up at hinihintay pa ang results, kaya pinayuhan ako ng doctor na magpahinga muna," pagbabahagi ni Jopay. 

Aniya, sa kabila ng nangyaring aksidente, masaya at na-touch daw siya nang mapanood ang video ng isang fan ng SexBomb Girls na super happy at ilang ulit pang nag-split nang makabili na ng tickets sa  kanilang "Get Get Aw!" concert. 

"Napaiyak ako ng makita ko ang saya ng isang fan na nakabili ng ticket ng SexBomb concert, naalala ko kung bakit ako lalaban. 

"Diyos ang lakas ko, at dahil sa inyo, lalaban ako hanggang matapos ang Round 5 ng concert. Mahal na mahal ko kayo," mensahe ni Jopay.  

Bumuhos naman ang "get well soon" message ng mga netizens para kay Jopay. Isang fan pa nga ang nag-alala nang bonggang-bongga sa nangyari s kanya.

"Wag nyo pong pababayaan health nyo.. sa ganitong edad po talaga sadyang kusa pong humihingi ng break/pahinga ang katawan.. sana ibless kayong lahat ni Lord ng maayos/malakas na pangangatawan para patuloy po kayong makapagpasaya ng mga fans nyo po ☺ grabe kayo sa 3 day straight, antindi non!" komento ng SexBomb fan. 

Samantala, nagbigay naman ng update ang asawa ni Jopay na si Joshua Zamora sa kondisyon ng dancer.

"Soon makakabalik na yan si Ate Jopay nyo, we all know how God is faithful, just a little more rest. 

"Thank God there was no serious injury; we are still taking precautionary measures. More consultations with the doctors.

"Salamat din sa mga nag assist na doctors and nurses at Capitol Med ER. Thank you sa lahat ng PRAYERS, and well wishes. Only you my Lord can heal my Babas. Jehovah Rapha the Lord our Healer," mensahe pa ng aktor at dancer.

The post SexBomb Jopay nabagsakan ng tiles sa ulo at likod habang nasa CR  appeared first on Bandera.


SexBomb Jopay nabagsakan ng tiles sa ulo at likod habang nasa CR  SexBomb Jopay nabagsakan ng tiles sa ulo at likod habang nasa CR  Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close