BREAKING NEWS

Beauty Gonzalez, Kris Bernal level-up na bardagulan sa ‘House of Lies’

Beauty Gonzalez, Kris Bernal level-up na bardagulan sa 'House of Lies'
Kris Bernal at Beauty Gonzalez

MAGAGANAP na ang inaabangang pagsasama sa GMA Afternoon Prime nina Beauty Gonzalez at Kris Bernal, tampok ang kanilang pinaka-challenging role bilang ina at asawa sa "House of Lies."

Ngayong January 19, sisimulan ang star-studded drama kung saan gaganap si Beauty bilang Marjorie at si Kris bilang Althea. 

Bibida rin sa serye sina Mike Tan bilang Paolo at Martin del Rosario bilang Edward, na magpapakita ng mga karakter na kakaiba sa kanilang mga dating ginampanan.

Bahagi rin ng powerhouse cast ang mga beteranong artista na sina Jackie Lou Blanco, Lito Pimentel, at Snooky Serna. 

Kasama rin ang Sparkle artists na sina Kayla Davies, Angel Cadao, Geo Mhanna, at Kokoy de Santos. Kukumpleto sa serye ang mga karakter nina Tanya Gomez, Patricia Tumulak, Gee Canlas.

Ang "House of Lies" ay kuwento ng dalawang babae na handang ibigay ang lahat para sa kanilang pangarap na buhay at pamilya. 

Ngunit minsan, ang sobrang pagnanais ay nauuwi sa kasamaan, panlilinlang, at sa isang tahanang puno ng kasinungalingan.

Si Marjorie ay mapagmahal na ina at mabuting asawa kay Paolo. Samantala, ang kapatid ni Paolo na si Edward ay asawa ni Althea, isang mahigpit na ina at asawang puno ng insecurities.

Lumaki sa mayamang pamilya, palaging magkaribal sina Paolo at Edward para patunayan kung sino ang mas karapat-dapat na maging tagapagmana ng Torrecampo Realty. 

Sa kabilang banda, si Althea ay matagal nang naiinggit kay Marjorie, at ngayong nasa iisang pamilya na sila, gagawin niya ang lahat para sirain ito.

Ano ang mangyayari kapag ang isang tila perpektong pamilya at malaking bahay ay mapuno ng madidilim na sikreto?

Maaari bang manatiling nakatago ang kasinungalingan at pagtataksil, o lilitaw rin ang katotohanan?

Ang "House of Lies" ay mula sa GMA Entertainment Group sa pangunguna nina Officer-in-Charge and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Senior Program Manager Anthony R. Pastorpide, at Executive Producer Lenie G. Santos.

Ang creative team naman ay binubuo nina Creative Director Aloy Adlawan, Creative Head Denoy Navarro-Punio, Creative Consultant Kit Villanueva Zapata, Head Writer Marlon Gonzales Miguel, at Writers Jmee Katanyag, Loi Argel Nova, Ceres Helga Barrios, at Meryl Bunyi.

Mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng, kasama si Carlo Antonio Cannu bilang associate director, ang House of Lies ay isang kapana-panabik na kuwento tungkol sa pamilya at kanilang mga sikretong pilit na itinatago.

Panoorin ang "House of Lies" tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime. 

The post Beauty Gonzalez, Kris Bernal level-up na bardagulan sa 'House of Lies' appeared first on Bandera.


Beauty Gonzalez, Kris Bernal level-up na bardagulan sa ‘House of Lies’ Beauty Gonzalez, Kris Bernal level-up na bardagulan sa ‘House of Lies’ Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close