BREAKING NEWS

Claire Castro nagsumbong sa NBI matapos makatanggap ng death threat

Claire Castro nagsumbong sa NBI matapos makatanggap ng death threat
Claire Castro

DUMULOG nang personal si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito'y para i-report ang natanggap na pagbabanta sa kanyang buhay mula sa isang Facebook account na "Luminous Trixie Cruz – Angeles & Ahmed Paglinawan."

Pahayag ni Castro sa isang video na in-upload sa social media, nagdesisyon siyang magsumbong sa NBI dahil sa ipinost ng naturang FB page noong January 2, 2026. 

"Sinabi kasi nila na 'kapag nilaglag ka ng humans mo, appendix at coccyx mo lang ang walang latay, resulta ng mga pinaggagawa mo,'" ang binasang post ni Castro mula sa ini-report na FB page.

Sabi pa ng Palace Officer, feeling niya ay kailangan niyang i-report sa NBI ang naturang "threat" dahil buhay na niya ang nakasalalay, lalo't idinaan talaga ito sa social media.

"I really have to report this matter because if something happens to me, at least naka-report po 'yung mga taong nagpapalutang ng ganitong klaseng grave threats," ani Castro.

Pinag-iisipan pa raw niya kung magsasampa rin siya ng kaso hinggil dito, "Sa ngayon po kasi, ang balak ko lang ay i-report. Kung magsasampa man ako ng kaso, pag-iisipan ko muna

"Kailangan ko lang kasing i-report para, at least nga, kung may mangyari sa akin, may mga tao silang puwedeng imbestigahan," aniya pa.

Patuloy ni Castro, "At that time, of course, natakot kasi hindi ka naman sanay sa death threats, e. Pero kung sasabihin na appendix mo lang ang walang latay, iba ang ibig sabihin nu'n. 

"Meron itong pagbabanta sa iyong buhay, so 'yon 'yong naramdaman ko, at up to now, 'yon pa rin 'yong nararamdaman ko kaya kailangan ko na mag-report," saad pa niya. 

"Personally, ang kakilala ko lang naman si Attorney Trixie Angeles pero 'yong Ahmad, hindi ko siya kilala personally.

"At nagkataon lang na inaamin naman yata nitong si Ahmed Paglinawan 'yong kaniyang post but it happens kasi na itong Facebook account ay sa kanila pareho nakapangalan," dagdag niya. 

Lumabas daw ang post na yun mula nang mag-viral sa social media ang sinabi niyang tila kamukha raw ni Vice President Sara Duterte ang horror character na si "Chucky" mula sa pelikulang "Child's Play."

"When I made this 'Chucky' remark and then, ito, sila 'yong nag-threaten sa akin," sey pa ni Castro. 

The post Claire Castro nagsumbong sa NBI matapos makatanggap ng death threat appeared first on Bandera.


Claire Castro nagsumbong sa NBI matapos makatanggap ng death threat Claire Castro nagsumbong sa NBI matapos makatanggap ng death threat Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close