BREAKING NEWS

UPCAT exam para sa SY 2027-2028 aarangkada na sa August 1 at 2

UPCAT exam para sa SY 2027-2028 aarangkada na sa August 1 at 2
INQUIRER photo/Richard Reyes

PARA sa senior high school students na nangangarap makapasok sa University of the Philippines (UP), simulan na ang countdown! 

Gaganapin kasi ang UPCAT examination para sa school year 2027–2028 sa darating na August 1 at 2.

Ayon sa Facebook post ng state university, narito ang importanteng petsa na dapat tandaan ng mga Grade 11 student na balak sumabak sa prestihyosong exam na ito:

March 2026 – Application period

  • Applicant: Form 1
  • Senior High School: Form 2A

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas tinalakan nagsabing 'NPA' mga taga-UP

July 2026 – Release ng digital test permits

August 1 at 2 – UPCAT exam dates

August 2026 – Submission ng grades

  • Applicant: Online Form 2B
  • Senior High School: Form 2A
  • School o Applicant: Hard copy ng grades (Grades 8–11)

Paalaala ng UP, huwag kalimutang dalhin ang valid school ID o anumang government-issued ID sa araw ng exam. 

Isa itong requirement para makapasok sa testing center.

Kung matatandaan noong nakaraang taon, ang UPCAT ay isinagawa rin sa parehong petsa sa 117 testing centers nationwide, kung saan 135,236 ang kumuha ng exam at nasa 17,996 ang nakapasa.

The post UPCAT exam para sa SY 2027-2028 aarangkada na sa August 1 at 2 appeared first on Bandera.


UPCAT exam para sa SY 2027-2028 aarangkada na sa August 1 at 2 UPCAT exam para sa SY 2027-2028 aarangkada na sa August 1 at 2 Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close