BREAKING NEWS

ChiKapalaran (January 12-18,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (January 5-11,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

HELLO there, Ka-Bandera! Capricorn season is about to end. Ubos na ba ang pera ng lahat? Mula sa gift-giving at sumud-sunod na parties, ngayon pa lang tayo nakaka-recover.

Pero don't worry, narito ang inyong ChiKapalaran this week para dagdagan ang good vibes sa inyong life. Ready ka na ba?

ARIES (March 21-April 19)

Habang maaga pa, agapan mo na ang nawawalang drive sa buhay. Baka it's time to revisit your goals para ma-ignite ulit ang desire mo to excel sa mga bagay bagay.

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 16

Swerte Meter: 5

TAURUS (April 20-May 20)

Kung ano man 'yang ganap mo sa ngayon, kung mahirap man, for sure ay worth it ang yan kapag nalagpasan mo. Ngayong ka pa ba bibitaw? Matitigas ulo natin, dapat in character lang tayo lagi.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 29

Swerte Meter: 5

GEMINI (May 21-June 20)

Wala namang tama o mali sa mundo. Nasa sa 'yo naman 'yun kung paano mo paninindigan ang desisyon mo. Kung anuman ang naging dahilan para bumitiw, go lang! As long as sumaya ka, wala kang dapat ipaliwanag sa mundo.

Lucky Color: White

Lucky Number: 3

Swerte Meter: 4

CANCER (June 21-July 22)

Wala namang masama sa pagiging tahimik. Hindi naman kasi palaging kailangan ng opinyon mo sa ilang bagay. Sapat na minsan 'yung makinig ka, sumang-ayon.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 15

LEO (July 23-August 22)

Iwasan muna ang pagiging bida-bida sa buhay, ok lang na magpahinga. Tandaan mo, hindi ikaw si Jollibee, 'wag mo na siyang agawan ng branding.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 23

Swerte Meter: 4

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (January 5-11,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

VIRGO (August 23-September 22)

 Kumapit ka sa mga pasabog. Deserve mo ang lahat ng paparating na blessing dahil ilang breakdown rin ang naganap bago ang big day! Congratultions! Beke nemen. Char!

Lucky Color: Red

Lucky Number: 14

Swerte Meter: 5

LIBRA (September 23-October 22)

Ginagawa mo naman 'yung best mo. Pero hindi kasi laging nasa atin ang panig ni universe. Hindi tayo palaging panalo. Pero tuloy lang. Ang mahalaga, lumalaban ka nang patas.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 10

Swerte Meter: 4

SCORPIO (October 23-November 21)

Hindi porke pinakitaan ka nang kabutihan ay bet ka na. Malay mo naman, wala lang sa kanya 'yun. Ikaw lang tong maglalagay ng meaning.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 29

Swerte Meter: 4

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Magpahinga ka. Periodt. Yun lang ang dapat mong gawin kung ayaw mong mapaaga ang pakikipagkita kay San Pedro.

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 7

Swerte Meter: 4

CAPRICORN (December 22-January 19)

Medyo sumusobra ka na sa part na ginagawa mong personality ang pagiging ka-zodiac ni Jesus. Tigilan mo yan. Ang pangit mong kalaro.

Lucky Color: Teal

Lucky Number: 16

Swerte Meter: 4

AQUARIUS (January 20-February 18)

Deserve na deserve mo 'yan. Ang blessings? Ang masayang lovelife? Ang promotion? Basta huwag ipapasok sa ulo ang yabang,oki? Stay grounded!

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 18

Swerte Meter: 5

PISCES (February 19-March 19)

Huwag ka kasing paligoy-ligoy sa nararamdaman mo. Kaya ka nasasaktan e. Ayusin mo 'yan bago pa mawala ang biyaya. Iniinis mo ko talaga. Hmp.

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 22

Swerte Meter: 4

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

The post ChiKapalaran (January 12-18,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! appeared first on Bandera.


ChiKapalaran (January 12-18,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! ChiKapalaran (January 12-18,2026): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera! Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close