Top 5 Traffic Violations sa 2025 ibinandera ng MMDA, ‘illegal turning’ ang nangunguna
KUNG sa traffic ng Metro Manila ang usapan, may top 5 violations nitong 2025!
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nanguna sa listahan ang illegal vehicle turning bilang pinakakaraniwang paglabag sa kalsada.
Sunod dito ang unattended illegal parking, pagkatapos ay ang disregarding traffic signs, violation ng number coding scheme, at attended illegal parking.
Bilang paalala, hinikayat ng MMDA ang mga motorista na maging disiplinado at alamin ang tamang traffic rules.
Baka Bet Mo: Ex-PNP Chief Nicolas Torre bagong general manager ng MMDA
Sinabi rin nila na aktibong ipinatutupad ang Road Safety Action Plan, na layong bawasan ang aksidente sa kalsada.
Nakabatay ito sa limang haligi: road safety management, safer roads, safer vehicles, safer road users, at post-crash response.
"Ngayong bagong taon, maging mas disiplinado at patuloy na sumunod sa mga batas trapiko para sa mas maayos na biyahe at mas ligtas na lansangan sa lahat ng mga road user," sey ng MMDA sa kanilang X (dating Twitter) post.
Narito ang Top 5 Traffic Violations sa katatapos lamang na taong 2025 ayon sa records ng Traffic Ticket Management Division.
Ngayong bagong taon, maging mas disiplinado at patuloy na sumunod sa mga batas trapiko para sa mas maayos na biyahe at mas ligtas na lansangan sa lahat ng… pic.twitter.com/THeh4ueaSJ
— Official MMDA (@MMDA) January 10, 2026
Pansin niya, ang pinaka-nakakaabala sa traffic sa Metro Manila ay collision.
Ayon kay Torre, magtatakda ang MMDA ng benchmarks tulad ng five minutes for response [time] at 10 to 15 minutes for clearing.
Samantala, ipinatutupad pa rin ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa Metro Manila.
Dito, nakukunan ng CCTV ang mga traffic violations at mano-manong bine-verify ng MMDA staff at Land Transportation Office.
Ngayon, puwede nang i-check ng mga motorista ang NCAP violations sa MMDA portal gamit ang bagong feature: "Motorists will enter their plate and MV File number and view the evidence if their vehicle is tagged with a violation."
The post Top 5 Traffic Violations sa 2025 ibinandera ng MMDA, 'illegal turning' ang nangunguna appeared first on Bandera.
No comments: