Unang bagyo ng 2026 nagbabadya sa Visayas, Mindanao – PAGASA

MAY nabuong low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) at may posibilidad na maging unang bagyo ngayong taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Tinatayang nasa layong 1,100 na kilometro ang LPA sa silangan -timog silangan ng southeastern Mindanao kaninang alas-8 ng umaga.
Sinabi pa ng PAGASA na may posibilidad na maging bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras at tatawagin itong "Ada."
Ayon pa kay weather specialist Chenel Dominguez nakapaloob ang LPA sa intertropical convergence zone (ITCZ) at maaaring magtaaas na ng tropical cyclone wind signals sa ilang bahagi ng Mindanao at Visayas.
Bukas, dagdag pa ni Dominguez, asahan na ang pag-ulan sa silangang bahagi ng Mindanao bago sa Visayas at Southern Luzon.
The post Unang bagyo ng 2026 nagbabadya sa Visayas, Mindanao – PAGASA appeared first on Bandera.

No comments: