BREAKING NEWS

Tito Sotto nangako ng agarang aksyon sa impeach raps vs PBBM, VP Sara

Tito Sotto nangako ng agarang aksyon sa impeach raps vs PBBM, VP Sara
Tito Sotto, Sara Duterte at Bongbong Marcos

TINIYAK ni Senate President Tito Sotto na sa kanyang pamumuno agad na kikilos ang Senado kung aabot sa kanila ang impeachment complaints laban kina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

"One thing is certain, as SP, I will act on it with dispatch, forthwith!" sabi ni Sotto.

Ngunit tumanggi na si Sotto na magbigay pa ng karagdagang reaksyon sa katuwiran na hindi pa nakakasiguro kung lulusot sa Kamara ang impeachment complaints laban kina Marcos Jr., at Duterte.

Una nang isinantabi ng Malakanyang ang diumano'y binabalak na pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Marcos, Jr.

Samantala, kaugnay naman sa muling pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Duterte, sinabi ng Malakanyang na ito naman ay maaaring para sa pananagutan katulad ng pag-iimbestiga sa mga maanomalyang proyekto na ikinasa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

The post Tito Sotto nangako ng agarang aksyon sa impeach raps vs PBBM, VP Sara appeared first on Bandera.


Tito Sotto nangako ng agarang aksyon sa impeach raps vs PBBM, VP Sara Tito Sotto nangako ng agarang aksyon sa impeach raps vs PBBM, VP Sara Reviewed by pinoyako on January 13, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close