BREAKING NEWS

Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending

Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending
Nikko Natividad, Raffy Tulfo at Mary Ann Baginan

"HINDI ko akalaing darating ang time na matu-TULFO ako!" Iyan ang pahayag ni Nikko Natividad sa kanyang latest Facebook post.

"Wala man akong TV guesting, na-guest naman ako sa (Tulfo)," ang hirit pa ng dating member ng grupong Hashtag.

Dumulog kasi ang kanyang dating kasambahay sa programa ni Sen. Raffy Tulfo kamakailan para ireklamo ang pagpo-post niya sa FB ng tungkol sa nangyari sa kanilang kasunduan.

Ayon kay Nikko, hindi na raw nagparamdam ang kasambahay nilang si Mary Ann Baginan matapos umanong bumale ng P44,000 para sa apat na buwang pagseserbisyo nito.

Sabi ng aktor, ipinost niya yun para na rin sa awareness ng publiko na wala nang anumang kaugnayan si Mary Ann sa kanilang pamilya. 

Sabi naman ng kasambahay, hindi niya nagustuhan ang paglalantad ni Nikko sa mga nangyari dahil may mga rason naman daw siya kaya hindi agad nakabalik.

"Sir Idol (Raffy) gusto ko pong malinis ang pangalan ko dahil sa pag-post sa akin," ang pahayag ni Mary Ann nang matanong ni Sen. Raffy sa programa nitong "Raffy Tulfo in Action."

December 23, 2025 nang umalis si Mary Ann sa bahay nina Nikko at nangakong babalik noong January 3, 2026. Nasa Japan noon si Nikko kasama ang anak at asawa.

Balak naman daw talagang bumalik ni Mary Ann pero may kinailangan lang daw siyang ayusin sa kanilang barangay matapos pagbintangan ng barangay captain na nagtutulak siya umano ng droga.

Paglilinaw ni Nikko, ang alam niya ay pauwi na si Mary Ann sa kanila pero bigla na lang itong hindi nagparamdam sa kanila at hindi na sinasagot ang tawag at message nila.

"Kaya po ako nag-post Senator Raffy kasi on the way na po siya sa amin, pauwi na, bigla na lang pong hindi siya nagparamdam.

"Kapag tinatawagan siya pinapatay niya, tapos no'ng nag-message po 'yong wife ko sini-seen na lang niya. So, madaling salita, tinakbuhan na niya talaga kami," paliwanag ni Nikko.

"Kaya po ako nag-post after 5 days kasi nag-post siya na nasa Tulfo siya. So, nag-post ako for awareness," esplika ng aktor.

At feeling niya, hindi na rin mababayaran ng kasambahay ang P44,000 na binale sa kanila dahil hindi na nga ito  nagparamdam.

Paliwanag naman ni Mary Ann,  "Pinatay ko po 'yong cellphone ko sir kasi inagaw po ito ni kapitan, e. Kasi nandito po lahat ng video niya."

Sa huli ay kinampihan ni Sen. Raffy si Nikko, "Dito base sa mga narinig ko, so far, mukhang kayo po yata ang may problema. Mabait po ang amo n'yo."

Sumang-ayon din si Mary Ann na mabait ang kanyang amo, "Opo. Aminado po akong mabait. Kaya nga po ang inaano ko po, bakit naipost ni Sir (Nikko)," aniya.

Sey uli ni Raffy Tulfo, "Ma'am Mary Ann, wala kaming magagawang tulong sa'yo dahil ikaw talaga ang may mali. Alam ko sinubukan mo kaming gamitin dahil akala mo makakalusot ka e kami naman dito patas. Pinapakinggan namin both sides.

"Nakita ko rin naman po 'yong post, wala namang masama doon. Facts lang 'yong binabanggit doon," lahad pa ng senador.

The post Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending appeared first on Bandera.


Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending Nikko Natividad ipina-Tulfo ng kasambahay, pero may plot twist sa ending Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close