BREAKING NEWS

Gloria Romero patay na pero ginagamit pa rin ng sindikato para makapanloko

Gloria Romero patay na pero ginagamit pa rin ng sindikato para makapanloko
Gloria Romero at Maritess Gutierrez

UMALMA ang anak ng yumaong movie icon na si Gloria Romero sa mga scammer na walang awang gumagamit sa kanyang ina para makapanloko.

Nakarating kay Maritess Gutierrez ang isang fake online article na makakatanggap umano siya ng bilyun-bilyong piso mula sa isang investment platform.

Ito'y mula raw sa naiwang yaman ni Gloria Romero na mariing pinabulaanan ni Maritess kasabay ng pagbibigay ng babala sa publiko na mag-ingat sa mga nababasa online.

Nakasaad daw sa fake report na makakakuha siya ng P7.2 billion mula sa investment umano ng kanyang nanay na aniya'y walang bahid ng katotohanan.

Inilarawan pa ni Maritess na "disturbing" at "nakakapikon" ang naturang artikulo sa social media. Aniya, ilang beses nang nagagamit ang pumanaw na movie queen sa mga fake news at online scam. 

"A friend of mine sent me that link. I read it briefly. Again isinali na naman whoever this person is or is it just I don't know what this people want. 

"Isinali na naman name ng mama ko. I cannot understand why, for what?" ang pahayag ni Maritess sa ulat ng ABS-CBN.

Nag-aalala daw si Maritess para sa kaligtasan at seguridad ng kanyang pamilya at inaatake na rin siya ng takot at anxiety.

Partikular niyang tinukoy ang kanyang anak na nagko-commute paminsan-minsan kapag papasok sa trabaho.

"For my safety and Chris because my son sometimes commutes, he rides the LRT to work to avoid the traffic. Tumatawa tawa lang ako dito because I don't want to show my true emotions on TV but it is really disturbing," aniya pa.

Mas lalo pa raw nakakalungkot dahil kumakalat ang mga naturang pekeng balita ngayong nalalapit na ang first death anniversary ni Tita Glo sa January 25.

Sana raw ay respetuhin naman ang alaala ng yumao niyang ina.

Samantala, patuloy na pinapayuhan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na triplehin ang pag-iingat sa tumitindi pang pagdami ng kaso ng online scams at fake news. 

The post Gloria Romero patay na pero ginagamit pa rin ng sindikato para makapanloko appeared first on Bandera.


Gloria Romero patay na pero ginagamit pa rin ng sindikato para makapanloko Gloria Romero patay na pero ginagamit pa rin ng sindikato para makapanloko Reviewed by pinoyako on January 12, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close